Isa sina Carla “Bing” Loyzaga at Janno Gibbs sa mga celebrity couple na talaga namang hinangaan at nagsisilbing inspirasyon sa lahat dahil sa kanilang long lasting love at relationship bilang mag-asawa.
Mas naging masaya at makulay ang kanilang 29 na taong pagsasama bilang mag-asawa dahil sa kanilang dalawang anak na sina Alyssa at Gabriella.

Sa ngayon ay nakikilala na rin sa mundo ng showbiz ang dalawang anak nina Bing at Janno. Hindi dahil anak sila ng mga mahuhusay na artista kung hindi dahil sila mismo ay mayroong angking talento na maipagmamalaki sa tao.

Si Alyssa o kilala rin sa kanyang palayaw na “Chi” ay isang sikat na celebrity social media influencer dahil sa kanyang kahanga-hangang talento sa sining. Sa ngayon, ay isang printmaker at designer si Alyssa.

Sa kanyang Instagram, ay madalas itinatampok ni Alyssa ang likha niyang iba’t ibang desenyo at art pieces.

Habang si Gabriella naman o mas kilala rin bilang “Gabby” ay isang sikat na professional makeup artist at ngayon ay nagtatrabaho bilang isang freelance editorial at wedding makeup artist.

Ngunit maliban sa kanya-kanyang talento, ay nakakabighani rin ang ganda nina Alyssa at Gabriella na namana nila sa kanilang mga magulang na parehong gwapo at maganda.

Isa pang namana nina Alyssa at Gabby sa kanilang mga magulang ay ang kanilang talento sa pagkanta. Kabilang nga ang pagkanta sa mga nagsisilbing bonding ng pamilyang Gibbs.

Sa katunayan, noong 2019 ay lumabas ang debut single ng magkapatid na Gibbs na “No Hearts” kung saan ay sila mismong dalawa kasama ang kanilang ama ang sumulat.

Kamakailan nga ay nagbakasyon nga sina Bing at Janno kasama ang kanilang dalawang anak sa Balesin Island.

Sa kanyang Instagram post nitong October 18, ay ibinahagi ni Janno ang isang larawan kung saan makikita silang nag-eenjoy sa maganda at malinaw na dagat ng Balesin.
Caption ni Janno sa Instagram post, “The Gibbs Getaway ❤️ ❤️❤️”
View this post on Instagram
Nakakaaliw tingnan ang larawan nina Janno at Bing kasama ang kanilang mga anak. Mababakas sa larawan ang isang masaya at magandang pamilya.
Samantala, maraming netizen din ang nagpaabot ng kanilang paghanga sa pamilya nina Bing at Janno. Komento ng netizens:

“beautiful family 😊, parang hindi tumatanda si janno as the years goes by”
“keepsafe & God bless Gibbs Family❤❤❤”
“Happy for you guyz💛💛”
“Happy family God bless stay safe ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️”