Ito na ngayon ang napaka-cute na miracle baby ni Assunta de Rossi at asawang si Jules Ledesma

Karamihan talaga sa atin ay naaantig sa lahat ng cute at magagandang bagay kaya sobrang malapit sa ating puso ang mga bata na kahit wala mang gawin ay pinanggigilan pa rin natin.

Credit:Β @assuntaledesma Instagram

Bagamat marami man ang dahilan ng ating kaligayahan, kakaiba pa rin talaga ang joy na hatid ng mga bata. Dahil sa kanilang kakulitan o nag-uumapaw na cuteness ay talagang walang humpay ang kasiyahan na ibinibigay nila sa atin lalo na sa kanilang mga magulang.

Marami naman tayong sinusubaybayan na mga anak ng sikat na celebrities, isa ang baby girl ni Assunta De Rossi na si Fiore sa mga batang kinagigiliwan ng karamihan.

Credit:Β @assuntaledesma Instagram

Simula nang ipinakilala ni Assunta ang kauna-unahang baby nila ng asawa na si Jules Ledesma sa publiko, madalas na nagbabahagi ang aktres ng mga larawan ni baby Fiore sa Instagram at sa bawat update ng celebrity Momshie, talagang lumalambot ang puso ng netizens dahil sa cuteness overload na hatid ni baby Fiore.

“O, rampa. πŸ˜‚” caption ni Assunta sa ibinahagi niyang larawan ni baby Fiore sa Instagram account kung saan ay makikita itong nakasuot ng purple na dress na talaga namang perfect sa maputing kulay ng kanyang balat.

Ika-4 naman ng February nang muling nag-share ang aktres ng close-up na larawan ni baby Fiore kung saan mapapansin talaga ang mahabang pilikmata, matambok na pisngi, at nakakapanggigil na ngiti nito.

Credit:Β @assuntaledesma Instagram

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang positibong komento at isa na nga sa mga ito ay si Pauleen Luna-Sotto na nagsabi ng, “Grabe Sam!!! GIGIL!!!”

Maliban sa solo na pictures ni baby Fiore, mahilig din mag-match ng outfits ang mag-ina katulad na lamang ng ibinahaging larawan ni Assunta nitong January 27 kung saan ay makikitang nag-pose na parang magician si baby Fiore.

“Little magician. 🌸πŸͺ„,” sulat ni Assunta sa kanyang caption.

Dahil sa pagiging adorable ng mag-ina, hindi napigilan nina Dawn Zulueta at Rica Peralejo na magkomento.

Credit:Β @assuntaledesma Instagram

“😍❀️❀️,” komento ni Dawn Zulueta.

“Grabe ang cute ❀️,” sabi naman ni Rica Peralejo.

Kumakailan lamang, nagpunta naman sa beach ang pamilya kung saan ay nagbahagi ng larawan sa Instagram si Assunta kasama si baby Fiore. Masasabi naman sa naging reaction ni baby Fiore na hindi niya bet ang nakakasilaw na araw.

Credit:Β @assuntaledesma Instagram

“Time for a much-needed change of scenery. And Fiofio ain’t impressed. πŸ’™πŸ’™πŸ’™πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚,” ayon kay Momshie Assunta.

Unang sulyap mo pa lamang sa mukha ni baby Fiore, tiyak na tanggal lahat ng pagod kaya naman kahit minsan ay naii-stress dahil sa Momshie duties, present naman si baby Fiore upang pagaanin ang bawat araw ng kanyang Mommy Assunta.