Ito ngayon ang buhay ng kinagigiliwan noon na aktor na gumanap bilang si “Prinsipe Cedie”!

Minsan na bang sumagi sa inyong isipan kung ano na kaya ang buhay ngayon ng dating sikat at kinagigiliwan nating batang mga aktor? Marami sa kanila ang nagpatuloy sa showbiz at ngayon ay nakabuo na ng malaking pangalan at reputasyon katulad na lamang nina Camille Prats, Angelica Panganiban at iba pa.

Credit: @antoinettetaus Instagram

Pero mayroon din namang lumisan at pinili ang simpleng buhay sa labas ng industriya. Isa na nga sa mga ito ay si Tom Taus na labis na nakilala sa kanyang pagganap sa karakter ni Cedie sa “Cedie: Ang Munting Prinsipe”.

Sobrang bagay sa kanyang karakter bilang si Cedie, talagang pumatok at sumikat siya bilang isa sa mga batang aktor noong dekada ’90 hanggang early 2000’s. Dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan at kahusayan sa larangan ng pag-arte, kinagigiliwan talaga ng karamihan si Tom pero sa kalagitnaan ng kanyang lumalagong career, napagdesisyunan ng aktor na iwanan ang showbiz upang magkaroon ng simpleng buhay.

Credit: @antoinettetaus Instagram

Marami man ang naghinayang sa paglisan ni Tom o mas kilala ng karamihan bilang si “Prinsipe Cedie,” nakahanap naman ng labis na kasiyahan ang dating aktor sa buhay niya ngayon sa labas ng showbiz.

Ilang taon naman ang nakakalipas simula nang huling nakita sa telebisyon at nagpamalas ng kanyang husay at galing sa pag-arte, marami ang nakuryoso kung ano na nga ba ang pinagkakaabalahan ni Tom ngayon.

Mula sa pagiging aktor, isa na ngayong sikat na DJ at drummer si Tom sa US!

Minsan na ring na-feauture sa DJ MAG ASEAN si Tom bilang isa sa mga itinananghal na “The Best Of The Region” sa South East Asia at nang-perform sa iba’t-ibang festivals katulad na lamang ng ULTRA Japan mula 2015 hanggang 2018 at ULTRA Korea naman mula 2016 hanggang taong 2019.

Credit: @antoinettetaus Instagram

Minsan na rin niyang ipinamalas ang kanyang galing sa larangan ng musika sa Road to Ultra Philippines. Sa lahat ng performance niyang ito, nakasama niya ang kapwa DJs na sina Martin Garixx, Avicii, Alesso, Armin van Buuren, Tiesto, Hardwell, Swedish Mafia House, at Skrillex na sikat din sa parehong larangan.

Credit: @antoinettetaus Instagram

Hindi man ipinagpatuloy ang kanyang career sa acting, buhay na buhay naman sa nagdaang mga taon hanggang ngayon si Tom Taus bilang isang sikat na DJ sa US. Marami man ang nalungkot sa kanyang desisyon, wala namang katumbas ang kanyang kasiyahan ngayon na nabubuhay siya sa kanyang pangarap.