Ito pala ang mala-paraisong beach resort ni Jinkee Pacquiao na nagpanganga sa netizens

“Our little slice of paradise”

Ganito kung ilarawan ni Jinkee Pacquiao, misis ni boxing champ-senator Manny Pacquiao, ang isa sa mga multi-million real estate nila sa Mindanao.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Sa kanyang vlog ay pinaunlakan ni Jinkee ang request ng kaniyang YouTube subscribers na isang tour sa kanilang beach resort na matatagpuan sa Taluya, Glan Sarangani Province.

Mamamangha ka sa ganda at laki ng beach resort na ito ng pamilyang Pacquiao. Ayon kay Jinkeee, pitong taon na ang nakalipas nang ipatayo nila ang itinuturing nilang paraiso at “happy place”.

Bago simulan ang eksklusibong beach resort tour ay may mensahe muna si Jinkee para sa lahat. Aniya, “Ngayon, nandito tayo sa aming private resort. Ipapakita ko sa inyo yung first private resort namin ng buong family.”

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

“Sa lahat ng nagtatanong, ito na yun. I’m not bragging for anything, na meron kaming ganito. Request niyo naman ito so itu-tour ko kayo dito.”

Mayroong main resthouse at dalawang villa ang resort. Ang isa sa mga villa ay nakalaan para sa Jamora clan at ang isa naman ay para sa Pacquiao clan. Sa kabuuan, mayroong 14 na kwarto ang resort.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Pagkukuwento ni Jinkee, “Naglagay talaga kami ng dalawang villas para sa Jamora and for the Pacquiaos kasi kapag andito sina Mommy [Dionesia Pacquiao], kapatid ni Manny, kapatid ko, family ko, may kanya-kanyang room sila na puwede sila mag-stay.”

Unang ipinakita ni Jinkee ang main villa ng resort kung saan matatagpuan ang master’s bedrooom. Kumpara sa mga master’s bedroom ni Jinkee sa kaniyang mga mansyon ay hindi gaanong kalakihan ang master’s bedroom sa resort ngunit malaki pa rin itong maituturing. Sa loob ay mayroon itong temang white at blue. Katabi ng kama ay ang maliit na walk-in closet ni Jinkee.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Sa labas ng master’s bedroom ay matatagpuan ang lounge area kung saan madalas nagbabasa si Jinkee ng Bible. Tanaw mula sa kaniyang lounge area ang magandang tanawin ng dagat.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Ipinakita rin ni Jinkee ang kanilang fish pond at magandang landscape ng resort na mayroong iba’t ibang halaman.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Alam natin na mahilig si Jinkee na maglagay ng mga larawan niya sa lahat ng kaniyang mga property kaya’t sa kaniyang resort makikita ang ilan sa mga souvenir niya mula sa kaniyang mga magazine cover shoot.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Ipinakita rin ni Jinkee ang kanilang maliit na bulwagan kung saan ginaganap ang kanilang mga Bible study.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Sa isang aerial shot naman ay makikita ang blue at white concept na swimming pool ng resort.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Madalas namang kumakain ng kanilang breakfast at dinner ang pamilya nina Jinkee sa kanilang gazebo na malapit sa dagat. Dito rin madalas nagpe-praise and worship ang pamilya.

Credit: Jinkee Pacquiao YouTube

Samantala, part 1 pa lang ito ng beach resort tour ni Jinkee na talaga nagpatunay kung gaano kalaki ang beach resort na ito.