Maraming aktor ang nakahanap ng wagas na pag-ibig sa kanilang mga non-showbiz partner. Isa na rito si Joross Gamboa na natagpuan ang kanyang ‘happy ending’ sa katauhan ng kanyang ‘ex-longtime girlfriend’ na ngayon ay asawa na niya na si Kathy Kimberly Saga.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Joross ay nagsimula sa showbiz sa murang edad kung saan naging finalist siya sa unang season ng Kapamilya reality talent search na “Star Circle Quest” noong 2004.
Itinanghal noon si Joross bilang 2nd runner-up at sapat naman ito upang siya ay makilala sa industriya. Nang maglaon nga ay nabigyan ng maraming oportunidad si Joross sa showbiz para ipakita ang kanyang talento sa pag-arte.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Tulad naman ng maraming celebrities, nagkaroon ng makulay na lovelife si Joross na hindi lihim sa publiko.
Isa sa mga kilalang ex-girlfriend ni Joross ay ang kanyang on-screen partner na si Roxanne Guinoo.
Ngunit ang akala ng lahat na road to forever na ang relasyon ng dalawa ay nauwi sa hiwalayan taong 2006.
Gayunpaman, tila ang kanilang breakup ay naging daan upang matagpuan ni Joross ang kanyang ‘forever’ matapos niyang makilala ang asawa na niya ngayong si Kathy.
Kung bibisitahin ang Instagram account ni Kathy, nakalagay sa kanyang bio na siya ay isang dating commercial and print model na siyang hindi naman nakapagtataka dahil magpahanggang ngayon ay kapansin-pansin pa rin ang kanyang taglay na ganda.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Agaw-pansin ang pagiging blooming ni Kathy kahit pa mayroon na silang dalawang anak ni Joross. Isang patunay na talaga namang isa siyang ‘happy wife.’
Samantala, nito lamang November 29, masayang ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ika-7 wedding anniversary kung saan nagpalitan sila ng matatamis na mensahe para sa isa’t isa.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Sa kanyang mahabang post, ibinahagi ni Joross ang kanilang sikreto para sa pagkakaroon ng matatag at masayang pagsasama.
Aniya, “Happy Anniversary Mahal 7 years Married 13 years together what’s our secret? Keeping God in the Center of our Relationship! ‘Marriage is NOT a contract, it is a Covenant with GOD.'”
Sa huli, nagbahagi si Joross ng isang Bible verse na tila naglalarawan sa pagmamahalan nila ni Kathy at ito ay, 1 Corinthians 13:4-8.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Matatandaang taong 2014 nang ikasal ang dalawa sa isang Christian wedding matapos ang ilang taong pagiging magkasintahan. Hindi naman nagtagal ay biniyayaan ang celebrity couple ng dalawang supling na sina Jace Kyler, 6-taong gulang, at John Kody, 4-taong gulang.