Ito pala ang siyam na inihanda at pinagpiliang wedding gown ni Ellen Adarna para sa kasal nila ni Derek Ramsay

Hindi lamang isa o dalawa kundi siyam ang inihandang gowns ni Ellen Adarna sa kanyang kasal!

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Sino ba naman ang hindi malalaglag ang panga sa matinding paghahanda ng aktres sa espesyal na araw ng kanyang buhay?

Huwebes, November 11 nang sa wakas ay dumating na rin ang araw na pinakahinihintay ni Ellen at Derek Ramsay, at ito ay ang kanilang kasal na ginanap lang naman sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bataan!

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Maliban sa engrandeng dekorasyon, agaw-pansin din ang napakaganda at sultry na wedding gown na suot ni Ellen. Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lamang iisa ang wedding gown ng aktres dahil talagang naghanda siya ng siyam!

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Mapapansin ang paiba-ibang suot na gown ni Ellen sa mga larawang kuha sa ginanap niyang photosho0t. Sa pinakauna niyang wedding gown, napaka-daring tingnan ng aktres dahil sa malalim nitong neckline at may slit pa na personal na dinisenyo ni Frankie de Leon.

Sa ikalawa namang gown ni Ellen na gawa ni Marc Rancy, revealed ang kanyang tagiliran at bewang pero overall, napaka-elegante tingnan ng aktres!

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Inspired sa lingerie, talagang maingat na dinisensyo ni Marc Rancy ang ikatlong wedding gown ni Ellen at nakabalot pa talaga ito ng crystals. Dumagdag din sa kagandahan ng gown ang lace skirt nito.

Isa namang strapless at see-through corset ang ikaapat na wedding gown ni Ellen. Kapansin-pansin din ang slit nito sa may harapan!

Punong-puno naman ng beads at crystals ang ikalimang gown ni Ellen. Exposed rin ang kanyang buong braso dahil sa spaghetti strap ng kanyang damit at nagmistulan siyang prinsesa sa tulle skirt nito.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Of course, isa na namang gown na may slit ang ikaanim na gown ng aktres pero may kaunting kaibahan ito kumpara sa iba pa niyang gowns dahil napapalibutan ng magkahalong puti at asul na gem stones ang waistline nito.

Para namang isang barbie doll si Ellen sa suot niyang tutu dress kung saan ay talagang nadepina ang napakagandang hubog ng kanyang katawan.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Isa namang gown na dinisenyo ni Mak Tumang ang isinuot na gown ni Ellen sa reception kung saan ay katulad ng iba pa niyang gowns, may mahaba rin itong slit.

Hindi rin mawawala ang winner sa lahat ng gowns ni Ellen na sinuot niya sa mismong araw ng kanyang kasal na gawa mismo ni Marc Rancy, ang designer ng karamihan sa kanyang gowns. Ang highlight sa dress na ito ay ang napakahabang slit na malapit ng umabot sa kanyang bewang.

Maliban sa sandamakmak niyang gowns, wala namang mas hihigit pa sa kasiyahang nararamdaman ni Ellen nang sa wakas ay maikasal na sa lalaking minamahal.

Ibang level talaga ng preparation ang ginagawa ng isang babae kapag kasal na niya ang pinag-uusapan at isa na nga rito si Ellen.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Talaga nga namang pinatunayan ni Ellen Adarna na siya ang Paris Hilton ng Pilipinas.