May mga bagay sa industriya ng showbiz na nais linawin ng netizens upang mabigyan ng sagot ang kanilang mga katanungan. Isa na nga sa mga tanong na ito ay kung ano ang tawag ng mga anak ni “Bossing” Vic Sotto sa asawa nito na si Pauleen Luna.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Miyerkules, November 10 nang ipinagdiwang ni Pauleen Luna-Sotto ang kanyang ika-33 na kaarawan kung saan ay nagkaroon lamang ng simpleng dinner ang buong pamilya.
“All things family today ❤️ blessed to have them! Ending my day with a very happy, grateful and peaceful heart. THANK YOU, LORD!” sulat ni Pauleen sa kanyang caption kalakip ng mga larawan at isang maikling video kung saan ay ipinasilip niya ang kaganapan sa selebrasyon ng kanyang birthday.
Present sa espesyal na araw ni Pauleen sina Danica at ang kanyang asawa na si Marc Pingris, Oyo Sotto, Kristine Hermosa, at marami pang iba.
Kilala bilang isang sikat na aktres at TV host, hindi na palaisipan kung bakit ganoon na lamang karami ang mga taong bumati ng maligayang kaarawan kay Pauleen.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Isa na nga sa mga bumati ay ang anak ng kanyang asawa na si Danica Sotto-Pingris na nagsabing, “Happy Birthday again! ❤️❤️”
Sa mismong comment ni Danica sa post ni Pauleen, may isang netizen na nakuryoso at nagtanong kung ano umano ang pangalang itinatawag niya at ng kanyang pamilya kay Pauleen.
“@danicaspingris hello miss Dan, dont get me wrong po ha.. pero curious po ako kung ano tawag nyo kay Pauleen? Kasi step mom mo sya tapos matanda ka sknya.. hehe ask ko lng po curious lng.. thanks po 🙂 God bless ❤️,” tanong ng isang netizen.
Mas matanda ng ilang taon si Danica kesa kay Pauleen kaya marami ang nakuryoso sa pangalang tawag nito sa kanyang stepmother na kaagad namang sinagot ni Danica.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
“We call her Pauleen,” sagot ni Danica.
Kuwento pa ng aktres, maliban sa totoong pangalan ni Pauleen, tinatawag din siya ng iba pa niyang pinsan bilang si “Tiya Pols”.
Dagdag pa ni Danica, “Some of my cousins call her Tiya Pols. Term of endearment nila sa kanya.”
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Sa kabila ng hindi nagkakalayong agwat sa edad at ang bizarre na relasyon nina Pauleen at Danica, nananatili naman ang mabuti nilang pakikitungo sa isa’t-isa at hindi ito kailanman naging hadlang sa maayos nilang relasyon.