Ito pala ang totoong ugali ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ayon sa ilang mga taong nakasalamuha niya

Kilala tayong mga Pinoy na mahilig sa mga beauty pageant. Kadalasan tuwing may gaganapin na beauty pageant, mapa-local man o international ay parati natin itong inaabangan. Siyempre hindi mawawala na may kanya-kanya tayong mga ‘bet’ o kandidatang sinusuportahan. Kaya naman madalas pagmulan ng mga debate sa pagitan ng mga pageant enthusiast kung sino dapat ang manalo at hindi karapat-dapat manalo.

Credit: Rabiya Mateo Instagram     

Nitong nakaraang Miss Universe Philippines 2020 pageant nga ay marami ang nagpahayag ng kani-kanilang opinyon tungkol sa kinoronahang Miss Universe Philippines 2020 na si Miss Iloilo Rabiya Mateo.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Hindi maiwasan ng maraming netizens na magbigay ng kanilang opinyon tungkol kay Rabiya. Sa kasamaang palad, nakakatanggap ng panglalait at pambabatikos mula sa ilang netizens si Rabiya.

Dahil dito, mayroong malalapit na tao na nakakakilala kay Rabiya ang nagbigay ng kanilang testamento para patunayan sa mga basher ni Rabiya na siya ay may magandang pag-uugali na karapat-dapat para sa isang beauty queen.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Isa si Ramon Muñez sa mga nagbahagi ng kanilang testamento para patunayan ang tunay na ugali ni Rabiya.

Sa isang Facebook post, ikwenento ni Ramon sa lahat kung gaano tiniis ni Rabiya ang mahirap na buhay para lamang makapagtapos ng pag-aaral.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Kwento ni Ramon, “Year’s ago, she stayed at our boarding house for less than a semester while she was studying at the Iloilo Doctor’s College. She did not have money to pay for rent. She slept on the floor. Her roommates gave her a “banig” so she would have something to sleep on.”

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Idinagdag ni Ramon, “My mum asked her if she’ll be okay, and she said she’ll be fine. Through hard work, perseverance, and sheer grit, she graduated cum laude and now, the 2020 Miss Universe Philippines. Congratulations Rabiya Mateo! We’re proud of you!”

Isa pang netizen na nakakakilala kay Rabiya ang nagbunyag kung gaano kasipag at katiyaga ang dalaga.

Isang screenshot ng kanilang pag-uusap ang ibinahagi ni Nelly Cabales sa Facebook.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Sa nasabing screenshot, mababasa ang paghingi ng tulong ni Rabiya kay Nelly para magkaroon siya ng raket upang makapag-save ng pera para sa kanyang darating na board exam.

Sabi ni Nelly sa caption, “You really deserve this success you achieved Rabiya Mateo. Yong SIPAG at TYAGA mo sa buhay nag bunga na. Just continue pursuing your dreams and ignore the negativity of other people!!!!! IM SO PROUD OF YOU Bunso. Our Miss Universe Philippines 2020.”

Si Rabiya ay nagtapos bilang cum laude sa kanyang kursong Bachelor of Science in Physical Therapy sa Iloilo Doctor’s College.

Credit: Rabiya Mateo Instagram

Sa kanyang murang edad ay namulat na sa hirap si Rabiya dahil iniwan sila ng kanyang amang isang Indian national. Pagkatapos makapasa sa Physical Therapy Licensure Examination noong 2018 ay nagtrabaho si Rabiya bilang isang lecturer sa kanilang probinsya at nagsilbing breadwinner ng kanyang pamilya.