“It’s a baby girl!” ang pangalawang anak ng aktres na si Regine Angeles at ng kanyang non-showbiz husband

Masayang ibinalita ni model-actress Regine Angeles at ng asawa nitong si Van Victor Leaño na babae ang kasarian ng kanilang pangalawang anak.

Credit: Regine Angeles -Leaño Instagram

Dahil may [email protected] ay todo-diskarte sina Regine at Victor para kahit papaano ay magkaroon ng exciting gender reveal party ang kanilang hinihintay na pangalawang anak.

Credit: Regine Angeles -Leaño Instagram

Sa isang Instagram video na inupload ni Regine nitong August 31, ay makikita ang ginawang “Do-It-Yourself” gender reveal party ng pamilyang Leaño.

Sa video, ay mapapanood na excited na excited ang model-actress pati na rin si Victor at ang 2-year-old son nito na si Viktor Alesso, nai-pop ang balloon na naglalaman ng confetti.

Credit: Regine Angeles -Leaño Instagram

At nang ma-pop ang balloon ay lumabas mula rito ang mga pink confetti. Ibig sabihin, ‘It’s a girl’ ang pararating na pangalawang anak ng mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

Here it is! 💕💕 #30weekspregnant #DIYgenderreveal

A post shared by Regine Angeles -Leaño (@regineangeles) on

Sa post ay inanunsyo rin ni Regine na 30 weeks pregnant na siya.

Sa isa pang post ay sinabi nitong, “Our family is complete.”

Credit: Regine Angeles -Leaño Instagram

Nagbahagi rin ng ilang larawan si Victor sa Instagram nito.

Aniya sa IG post, “The nganga family. Baby ghorl na! #quotana”

Bumaha naman ng pagbati para sa pamilyang Leaño mula sa mga kakilala ni Regine sa industriya at followers nito.

Credit: Regine Angeles -Leaño Instagram

Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang kasiyahan para sa pamilya ay sina Denise Laurel, Joshua Zamora at Melai Cantiveros.

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa IG post na ito ni Regine.

“Congrats Regine! For sure pretty like Mommy! Have a safe delivery…”

“Ganda yan for sure”

Credit: Regine Angeles -Leaño Instagram

“OMG! You’re truly blessed sis! Kumpleto na ang fam! As they sai #QuotaNa congratulations”

Samantala, April ngayong taon nang inanunsyo ni Regine na nagdadalang-tao siya sa kanilang pangalawang anak.

Credit: Regine Angeles -Leaño Instagram

Sa Instagram post ay sinabi niyang, “Hello Baby #2! Hope you are doing OK there, my love. Never had the chance to do an ultrasound since the ECQ started. Sending some love to all the preggy moms out there. May the Lord give us extra strength in this time of cr!sis.”

Taong 2016 nang magpakasal sina Regine at Victor. 2017 naman ay biniyayaan sila ng unang anak at dumating si Viktor Alesso.