It’s official! Celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay, kasal na!

It’s official! Ikinasal na ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay!

Credit: @patdy11 Instagram

Nagpalitan ng “I do’s” ang dalawang celebrities ngayong araw, November 11, sa isang napakaganda at romantikong sunset garden wedding na ginanap sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa Bagac, Bataan.

Sa mga ibinahaging larawan at video sa social media ng mga kaibigan at bisitang dumalo sa magical wedding ng celebrity couple, makikita ang pagiging emosyonal ni Derek habang pinagmamasdan si Ellen na naglalakad sa aisle.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Makikita rin sa ilang larawan ang kapansin-pansing kagandahan ni Ellen sa suot nitong wedding gown na gawa ng designer na si Marc Rancy. At gaya ng dati, gwapo at matikas ang Kapuso hunk actor sa suot nitong suit na gawa ni Bianca Cordero.

Credit: @patdy11 Instagram

Bukod naman sa kani-kanilang pamilya, kabilang sa mga celebrity na dumalo sa kasal ng mag-asawa ay ang celebrity doctor na si Vicki Belo at ang TV actress na si Beauty Gonzalez.

Matatandaang 9 months pa lang ang relasyon nina Ellen at Derek bago sila nagdesisyong magpakasal ngayong araw. Kinumpirma ng mag-asawa ang kanilang relasyon noong February 26 sa panayam sa kanila ng PEP.ph, ilang linggo lamang matapos lumabas sa social media ang kanilang intimate at sweet photos.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng dinner party na in-organize ni Derek sa kanyang bahay noong January bukod pa sa magkapitbahay sila ni Ellen. Mula noon ay nag-alab nga ang spark at romance sa pagitan ng dalawang celebrity na nauwi sa kanilang engagement noong March.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na may anak na ang celebrity couple mula sa kani-kanilang dating karelasyon. Si Ellen ay may anak sa kanyang dating partner na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto habang si Derek ay may binata nang anak na si Austin.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Sa ngayon nga ay hindi maikakailang marami ang nag-aabang sa mga susunod na kaganapan sa buhay mag-asawa ng celebrity couple.

Samantala, bumuhos naman ang pagbati para kina Ellen at Derek mula sa netizens na talaga namang nag-abang kung kailan ikakasal ang dalawa. Komento ng netizens:

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

“Woww..finally congratulations to both of you”

“Finally!!! Sila na talaga ang nagkatuluyan…Happy for you Ellen and Derek”

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

“Finally!! Kinasal din congratulations anyway”

“Best wishes Derek & Ellen! Congratulations”