Ivana Alawi at kanyang mga kapatid, sinurpresa ang kanilang mommy ng P1M bilang regalo sa kaarawan nito

Muling pinanganga sa kamanghaan ni Ivana Alawi ang netizens nang sinurpresa niya ang kanyang Mommy Fatima sa kaarawan nito sa pamamagitan ng kanyang engrande at bonggang regalo!

Credit: Ivana Alawi YouTube

Dahil sa hindi mahilig sa mga materyal na bagay, talagang naging mahirap para kay Ivana at sa kanyang mga kapatid na sina Hash at Mona na makapag-isip kung ano ang magandang regalo para sa kanilang pinakamamahal na Mommy Fatima.

Credit: Ivana Alawi YouTube

“We asked her dati pa kung ano ang gusto niya, laging siyang nagsasabing ‘wala’ so we gave her cash para siya ng pumili,” ayon kay Hash.

Dagdag pa ni Ivana, “Ayaw niya ng gamit kasi sayang. Gusto niyang bumili ng mga pagkain para sa ibang tao.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

At dahil hindi nakasama sa dinner noong birthday ng kanyang Mommy Fatima, talagang bumawi si Ivana at tinupad na rin sa wakas ang matagal ng gusto ng kanyang ina na makapag-fruit picking sa Tanauan, Batangas.

Sabado, November 13 nang nagbahagi ng vlog si Ivana sa kanyang YouTube channel kung saan ay mapapanood kung paano pinaghandaan ng magkakapatid na Alawi ang surpresa nila para sa kanilang Mommy Fatima.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa matagumpay nilang pagpapanggap na magkakaroon lamang sila ng simpleng laro na kung sinuman sa kanila ang makakapag-gather ng pinakamaraming grapes sa loob ng isang minuto ay siyang mananalo ng prize.

Nang nagsimula na ang “timer,” nasurpresa si Mommy Fatima nang nakakita ng plastic bag na nakabitin sa grapevine at may lamang isang check na nagkakahalaga lang naman ng 100,000!

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kahit na’y nagtataka, kaagad na pinitas ni Mommy Fatima ang plastic bag na may lamang check. Nang muli siyang pinaalahanan ni Ivana na malapit ng matapos ang isang minuto, kaagad niyang ipinagpatuloy ang pagpipitas ng iba pang bank checks.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nang matapos ang isang minuto, tanging pitong checks lamang ang napitas ni Mommy Fatima pero binigyan siya ng pagkakataon ni Ivana na hanapin pa ang natitirang tatlo at matagumpay nga itong nahanap ng kanyang Mommy na kung ipagsasama-sama ay nagkakahalaga ng tumatagingting na 1 million!

“Milyonarya na’ko!” masayang sabi ni Mommy Fatima matapos bilangin ang lahat ng napitas niyang bank checks.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nang natapos ang kanilang surpresa, nag-enjoy ang pamilyang Alawi sa hinanda nilang picnic kung saan ay masaya nilang kinantahan ang kanilang Mommy Fatima ng “Happy Birthday” song.