Ivana Alawi at mga kapatid, naghanda ng simpleng celebration at mga bonggang regalo para sa kaarawan ng kanilang Mommy Fatima

Isa sa mga kilalang celebrity mom ngayon sa online world si Fatima Alawi o mas kilala ng lahat bilang Mama Alawi. Nakilala siya ng maraming netizens dahil madalas siyang makasama ni TV actress-turned-famous vlogger Ivana Alawi sa kanyang mga vlog.

Credit: Ivana Alawi YouTube               

Nitong Lunes nga, November 16, ay ibinahagi ni Ivana sa kanyang YouTube channel ang isang special vlog kung saan mapapanod ang simpleng birthday surprise na inihanda nila ng kanyang mga kapatid na sina Hashim at Mona para sa kanilang Mama Alawi.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kwento ni Ivana, maaga silang nagising na magkakapatid para ihanda ang surprise birthday setup nila para sa kanilang Mama Alawi.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Habang natutulog si Fatima ay isa-isang pinalobo nina Ivana, Hashim at Mona ang mga gagamitin nilang lobo. Plano ng magkakapatid na punuin ang kanilang swimming pool ng mga lobo.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ayon pa kay Ivana, kahit sa kanilang simpleng sorpresa lamang ay mapasaya nila ang kanilang Mama Alawi.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Aniya, “Ngayon very special ng ating video dahil birthday ni Mama Alawi…Gagawa kami ng suprise. So, tulog pa si Mother Earth. And it’s her special birthday kaya Mom [We love you happy birthday!] and more, more birthdays to come! And I hope magustuhan mo ‘yung aming surprise para sa’yo. Kasi syempre nasa bahay lang kami hindi kami makapag-birthday party.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Dagdag ni Ivana, “Gumising kami kanina nang 5 am. Nagbili kami ng balloons. Nag-prepare kami ng mga pagkain. Gusto ko kasi pagbaba ni Mama makikita na niya ang birthday [surprise]. Ayaw ko na siya paiyakin. Iyong gagawin sad.”

Isang birthday cake at spaghetti ang mga inihandang pagkain nina Ivana para sa kanilang Mama Alawi.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Pinasuot nila Ivana ang kanilang Mama Alawi ng blindfold at nang makita na nga ni Fatima ang inihandang birthday setup ng kanyang mga anak ay napangiti ito sa tuwa.

Ayon naman kay Fatima, ayaw daw talaga niyang maghanda ngayong kaarawan niya. Gayunpaman, masayang-masaya pa rin siya sa effort ng kanyang mga anak na bigyan siya ng isang simpleng birthday party.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Aniya, “Ayaw ko sanang maghanda eh. Ito na nag-eeffort na kayo eh. Magwi-wish na ako.”

Samantala, bongga naman ang mga regalo nina Ivana, Hashim at Mona para sa kanilang Mama Alawi.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Unang nagbigay ng kanyang regalo si Mona na isang tsinelas mula sa luxury brand na Versace na talaga namang nagpa-wow sa kanyang Mama Alawi.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Hindi naman magpapatalo si Hashim at niregaluhan ang kanyang Mama Alawi ng bagong model ng iPhone ngayon na iPhone 12.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Bongga rin at talaga namang masasabi mong galante magbigay ng regalo si Ivana. Hindi makapaniwala si Fatima nang makita niya ang P500,000 cheque na inipit ni Ivana sa isang cookbook.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa huli ay labis ang pasasalamat ni Fatima sa Diyos dahil biniyayaan siya nito ng mababait at mapagmahal ng mga anak.