Mula noon at magpahanggang ngayon, prayoridad na ni Ivana Alawi ang tumulong sa kanyang pamilya.
Credit: @ivanaalawi Instagram
Hindi pa man siya pumapasok sa showbiz at maging isang sikat na vlogger ay tumatayo nang breadwinner ng kanyang pamilya si Ivana.
Sa kanyang latest vlog, ikwenento ni Ivana na noon ay iba’t ibang klase ng trabaho ang kanyang pinasok para kumita ng pera.
Ibinunyag ni Ivana sa kanyang fans na naranasan niyang mamahagi dati ng mga flyer para kumita ng pera at makatulong sa pamilya.
Credit: @ivanaalawi Instagram
“Nung nawala yung aming tatay, nung hindi kami sinusuportahan, nagpa-flyering ako, nagraraket para makatulong din sa pamilya,” kwento ni Ivana.
Nang tanungin naman si Ivana ng kanyang kapatid na si Mona kung bakit pinili niyang suportahan ang kanilang pamilya kahit pa hindi niya ito obligasyon, simple lamang ang naging sagot ni Ivana.
Aniya, “Girl. I want to.”
Credit: @ivanaalawi Instagram
Paliwanag ni Ivana, magmula pa noon nakatanim na sa kanya na unahin ang kanyang pamilya bago ang kanyang sarili.
“Ako kasi yung tao na ever since lagi ko iniisip yung buong pamilya. Natural na sa akin,” saad ni Ivana.
Ngunit tulad ng karamihan, sinabi ni Ivana na naranasan din niyang hindi matanggap sa mga raket na pinag-applyan niya noon.
Credit: @ivanaalawi Instagram
Kwento ni Ivana, naranasan niyang ma-reject noon sa ilang trabaho dahil lamang sa kanyang height.
Ani Ivana, “Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi pangit ako.”
Dagdag niya, “Uy, naging chaka…Gusto nila matatangkad. So, hindi ako pumapasa.”
Credit: @ivanaalawi Instagram
At malaki naman ang pasasalamat ni Ivana dahil noong mga panahong wala siyang raket ay naging katuwang niya sa pagtulong sa kanilang pamilya si Mona.
Bata pa lamang ay pumasok na sa pag-aartista si Mona. Bilang child actress, gumanap sa ilang teleserye si Mona sa Kapuso network tulad ng “Heredera” at “Bukod Kang Pinagpala.”
Saad pa ni Ivana, “And in fairness kay Mona, si Mona ang tumulong sa pamilya. Tapos nagpahinga din siya sa showbiz. So siyempre, hindi naman pwede si Mona lang.”
Credit: @ivanaalawi Instagram
Ayon naman sa nag-iisang kapatid na lalaki ni Ivana na si Hashim, natural na sa kanilang magkakapatid na magtulungan.
Pahayag ni Hashim, “If any one of us finds that much success, automatically each one will help each other.”
Binigyang-diin din ni Ivana na pinalaki silang magkakapatid na hindi makasarili.
Aniya, “Kasi ganun kami pinalaki. Hindi kami pinalaki na maging makasarili. I’ll always be here for you, guys.”
Credit: @ivanaalawi Instagram
Pagsesegunda naman ni Mona, “We think as a family. Kaya I really look up to ate.”
Si Ivana ay isang half-Filipino at half-Moroccan YouTube vlogger at actress-model.
Gumawa ng kasaysayan si Ivana sa mundo ng pagba-vlog bilang ang kauna-unahang Filipino vlogger na nakakuha ng 10-million subscribers sa loob lamang ng isang taon.