Ivana Alawi, emosyonal sa kalagayan ng kapatid na si Mona at sinabing lahat gagawin para gumaling ang kapatid

Kahit saan man dalhin ng tagumpay, talagang malaki pa rin ang pagpapahalaga ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Kilala bilang isang sikat na aktres at vlogger na talagang sinusubaybayan ng netizens, patuloy na nagbibigay ng inspirasyon si Ivana sa karamihan.

Hindi kailanman sumagi sa isipan ng kanyang fans na lilisanin ni Ivana ang mundo ng pagva-vlog pero ayon sa kanya, handa umano siyang i-give up ito para sa kapakanan ng kanyang pamilya.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Sa isang interview kasama ang talent manager na si Ogie Diaz, inamin ni Ivana na wala na siyang iba pang mahihiling kung hindi ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ng bawat miyembro ng kanyang pamilya kahit na’y ang ibig sabihin nito ay maubos ang lahat ng pera niya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko ang pagkakaroon ng Type 1 d!abetes ng bunsong kapatid ni Ivana na si Mona Alawi. Simula pa lamang nang tumungtong si Mona sa ika-8 niyang kaarawan, nag-iinsul!n na siya at kadalasan, siya pa mismo ang nag-i!nject nito sa sarili.

“Uubusin ko lahat. I don’t need money for my family’s health so, lahat ‘yun… ibibigay ko,” pahayag ni Ivana.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Pagkukuwento pa ng Pinay vlogger, may mga pagkakataon pa rin na nahihirapan siya sa kundisyon ng kapatid kaya talagang pursigido siya sa pagtatrabaho.

“Kahit hanggang ngayon, naghahanap kami ng ano ‘yung mas better. Minsan nga sinasabi ni Mona, ‘Ate, tama na. Ang mahal nito. Ang mahal ng ganyan’. Sabi ko, ‘Mona… kaya nga ako nag-aano (nagtatrabaho) kasi I want to give you the best’. Alam mo iyon na bakit pa ako nagtatrabaho kung hindi ko naman ibibigay sa pamilya ko,” ayon kay Ivana.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Dagdag pa niya, “Because that’s what inspires me. Mona, my mom, my brother, my sister.”

Hanggang ngayon, patuloy pa rin umanong naghahanap si Ivana ng “better treatment” para sa kapatid. Bagama’t hindi man naiiwasang makaramdam ng lungkot sa tuwing nakikitang nahihirapan ang kapatid, malakas naman ang paniniwala ni Ivana na gagaling pa si Mona.

“I believe kasi in miracles. Alam kong isang araw, gagaling siya.”

Credit: @ivanaalawi Instagram

Bagama’t hindi man naiiwasang maging emosyonal sa tuwing nakikitang nahihirapan ang kapatid, malakas naman ang paniniwala ni Ivana na gagaling pa si Mona.

“Umiiyak na lang ako. Sabi ko ‘Mona, lumaban ka’ kasi minsan, merong mga time na napaghihinaan siya ng loob na parang… puro sakit eh. Everyday, all she feels is pain.”

Credit: @ivanaalawi Instagram

Marami naman ang humanga sa pagmamahal na meron si Ivana para sa kanyang pamilya. Bagama’t napakalayo na ng narating niya sa buhay, kaya-kaya pa rin niyang isugal ang lahat ng meron siya para sa kapakanan ng pamilya.