Ivana Alawi, engrandeng ipinagdiwang ang 25th birthday sa isang P1M-worth na hotel villa!

Engrande ang naging pagdiriwang ni Ivana Alawi sa kanyang ika-25 kaarawan noong December 25. Pinili ng YouTube star na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa Okada Manila.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ng Kapamilya actress-vlogger kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa nasabing 5-star hotel kasama ang kanyang inang si Fatima Marbella, kanyang mga kapatid na sina Amira, Hashim at Mona, at maging ang ilan niyang staff.

Pagdating nila sa hotel ay nasorpresa naman si Ivana nang sabihin ng isang hotel staff na in-upgrade ng management ang pananatili nila sa hotel. Imbes kasi na 3 kwarto lamang ang kanyang kinuha, napagdesisyunan ng hotel na bigyan ng access ang aktres at ang kanyang pamilya sa kanilang pinakamahal at pinakaengrandeng villa kung saan ang isang gabi ay nagkakahalaga lang naman ng P1 million!

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kaya naman ayon kay Ivana, hindi sila matutulog at talagang susulitin ang pananatili nila sa villa dahil sa sobrang mahal nito.

Pagpasok naman nila sa villa ay kaagad na napa-wow sina Ivana dahil sa ganda at lawak nito. May lawak na 1,400 sqm ang nasabing villa at talagang mamangha ka sa napakarami at bonggang amenities nito na talagang perfect para sa mga gustong mag-staycation. At sa kanilang paglilibot, makikitang mayroon itong 5 bedrooms, 2 restrooms na may kanya-kanyang malalaking bath tub, gym room, bar area, entertainment area, malaking dining hall, outdoor pool at Jacuzzi.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Talagang napaka-‘luxurious’ ng villa kaya naman nagmistulang isang royalty sina Ivana. Siyempre, parang tunay na royalties din ang treatment ng hotel kina Ivana kung saan sinalubong sila ng buffet na mayroong iba’t ibang klase ng desserts at drinks na kaagad naman nilang nilantakan na magpamilya.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Samantala, sa gabi ay nag-enjoy si Ivana sa isang pool party kasama ang kanyang ina at mga kapatid. Naghanda rin ang hotel ng barbecue dinner party para sa kanila.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Natapos ang birthday vlog ni Ivana sa isang nakaka-relax na foot and body massage, na isa sa mga inaalok na serbisyo ng hotel.

Lingid naman sa kaalaman ng lahat, sa naturang hotel din ginanap ang bonggang birthday photosh00t ni Ivana na nag-viral kamakailan matapos niyang ibida ang kanyang mala-dyosang ganda!