Ivana Alawi, ginoodtime ang kapatid na si Hashim kasabwat si Herlene “Hipon Girl” Budol sa kanyang vlog

Naghatid ng maraming tawa sa netizens ang latest vlog challenge ni Ivana Alawi kung saan hinamon niya ang kanyang kapatid na si Hashim ng paramihan ng makukuhang cellphone number mula sa mga estranghero.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa kanilang “Asking Stranger’s Phone Number” challenge ay unang nakapuntos si Hashim nang walang kahirap-hirap niyang makuha ang number ng isang babae na nakausap niya sa daan.

Makikitang halos hindi makapaniwala si Ivana nang matagumpay na makuha ni Hashim ang number ng babae. Kilala kasi niya ito bilang “shy type” na lalaki.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kitang-kita naman sa mukha ni Ivana ang kaba nang sumalang siya sa challenge ngunit dahil ayaw niyang magpatalo kay Hashim kaya naman lakas-loob niyang kinausap at hiningi ang number ng isang lalaki. Mabait naman ang lalaki at ibinigay nito kay Ivana ang kanyang number.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kaya lang ay nagutom si Ivana kaya sa loob ng isang restaurant nila ipinagpatuloy ang kanilang sinimulang challenge. Unang nilapitan ni Hashim ang isang customer na mukhang hindi niya namukhaan na ang vlogger-host pala na si Herlene “Hipon Girl” Budol.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Swabeng kinausap ni Hashim si Herlene. Nakilala naman kaagad ni Herlene si Hashim bilang kapatid ni Ivana. Excited at game nga na ibinigay ni Herlene ang kanyang number kay Hashim. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang masayang pag-uusap ay bigla na lamang dumating ang kasama ni Herlene na “kasintahan” pala niya.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sinabi ni Herlene sa kanyang kasintahan na hiningi ni Hashim ang kanyang number. Tila nagalit naman ito sa pag-aakalang pinopormahan ni Hashim si Herlene.

Todo paliwanag naman si Hashim at sinabi niyang hindi niya gustong ma-‘offend’ sina Herlene at ang kasintahan nito. Mahinahon niyang ipinaliwanag sa lalaki na nagba-vlog lamang sila.

Sabi pa ni Hashim, “I don’t want any trouble…Nagkamali ako. I’m sorry.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Subalit nagpatuloy pa rin ang kasintahan ni Herlene at hinamon pa si Hashim ng [email protected] Mukha namang nap!kon si Hashim nang sabihin ng kasintahan ni Herlene na hindi umano maganda sa personal si Ivana.

Giit niya, “My apologies, pero kung ayaw mong bastusin ‘yung girlfriend mo, huwag mo rin bastusin yung ibang tao.”

Para naman hindi na lumala ang sitwasyon ay napagdesisyunan ni Hashim na aalis na lamang sila ngunit hindi pumayag si Ivana at nakipagsagutan pa ito sa magkasintahan.

Halatang hindi na alam ni Hashim ang gagawin hanggang sa ini-reveal nina Ivana, Herlene at ng nagpanggap niyang gwapong kasintahan na si Kelly na “prank” lamang ang lahat.

Sa huli, tila nakahinga ng maluwag si Hashim habang abot-langit naman ang kasiyahan ni Ivana dahil sa epektib niyang prank.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Samantala, bumilib naman si Ivana sa ginawang pag-arte ni Herlene. Kaya bilang pasasalamat, binigyan niya ito ng talent fee at bagong cellphone na halos nagpaiyak kay Herlene.