Sabi nila, kung kailan ka hindi naghahanap, doon mo matatagpuan ang pag-ibig. Hindi inaasahan at bigla na lang itong magpapakita sa iyong harapan.
Credit: O/C Records YouTube
At narasan nga ito ng karakter ng actress at vlogger na si Ivana Alawi sa isang music video na kanyang pinagbidahan.
Sinong mag-aakalang sa loob ng isang elevator mahahanap ni Ivana ang pag-ibig?
Trending ngayon ang music video ng kanta ng OPM singer na si Adie Garcia na “Paraluman”.
Credit: O/C Records YouTube
Isang linggo pa lamang ang makalipas matapos itong ilabas ng OC Records sa kanilang YouTube channel ay pumalo na kaagad sa mahigit 1.5 million ang views nito, sa panahong isinusulat ang artikulong ito.
Maliban kasi sa nakakabighaning boses at napakagandang kanta ni Adie, mapapanood din sa music video si Ivana na gumaganap bilang si ‘Paraluman’.
Umiikot ang lagpas pitong minutong music video sa kwento ng dalawang estrangherong ginagampanan ni Ivana at Adie na nakahanap ng kakaibang koneksyon at atraksyon sa isa’t isa sa loob ng isang elevator.
Credit: O/C Records YouTube
Mapapanood sa video ang pagpasok ni Ivana sa elevator kung saan naman nakasakay si Adie. Basang-basa sa ulan si Ivana nang pumasok siya sa elevator. Napansin naman ni Adie ang panginginig ni Ivana kaya inabot niya rito ang kanyang panyo.
At sa maikling panahon na pagtatagpo ng kanilang mga tingin ay kapansin-pansin ang hindi maitagong kislap sa mga mata ni Ivana at Adie. Hanggang sa naputol ang kanilang pagtitinginan nang pumasok ang iba pang sasakay sa elevator.
Hindi naman natapos ang kanilang pagtitinginan dahil patuloy sila sa pagsulyap sa isa’t isa kahit pa may mga taong nakaharang sa kanilang gitna.
Bago tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na si Ivana, nagtagpo ang kanilang mga kamay.
Nagtapos naman ang video sa pagpapakilala ni Ivana sa kanyang sarili bilang si ‘Paraluman’ kasabay nang pagbalik niya sa panyo ni Adie.
Credit: O/C Records YouTube
Samantala, hindi maiwasan ng mga netizen na punahin ang chemistry na makikita sa pagitan ni Ivana at Adie sa music video. Komento nila:
“BASTA ANG ALAM KO MAY CHEMISTRY AT BAGAY SILANG DALAWA”
“YIEEEE MAY CHEMISTRY KINIKILIG AKO”
“grabe may chemistry ganda ng kanta at ng boses indeed!”
Credit: O/C Records YouTube
Pinuri rin ng netizens ang husay sa pagsusulat at talento sa pagdidirek ng aktres na si Bela Padilla na nasa likod ng viral music video ni Adie tampok si Ivana.