Tiyak na mapapa-sana all ka sa newly-renovated kitchen ng YouTube star na si Ivana Alawi. Kamakailan ay excited na ipinasilip ni Ivana ang kanyang bagong gawang kitchen na siya mismo ang nagdisenyo.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Game niyang itinour ang kanyang milyun-milyong subscribers sa kanyang kitchen na mapapa-wow ka sa laki at ganda!
Katulad ng kanyang personalidad, simple ngunit napakalinis at napaka-eleganteng tingnan ng newly-renovated na kusina ni Ivana. Mayroon itong modernong disenyo dahil sa color motif nito na pinaghalong white at silver.
Gawa naman sa marble ang kitchen island at kitchen top maging ang kitchen floor. Pagbabahagi ni Ivana, nahuhumaling daw talaga siya sa natural stones tulad ng marble kaya ito ang naisip niyang ipalagay sa kanyang kitchen.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Ibinahagi naman niyang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng kusina na mayroong minimalist na disenyo kung saan aakalain mong wala itong laman dahil maayos at malinis na nakalagay sa mga cabinet at drawer ang mga gamit sa kusina at mga pagkain.
“Gusto ko kasi sa kusina is minimalist, yung kaunti lang yung laman. Yung wala ka nakikita, very malinis. Kaya kung napapansin niyo tadtad siya ng cabinet, gusto ko [kasi] lahat nakatago, malinis sa mata,” ani Ivana sa kanyang vlog.
Isa-isang ipinakita ni Ivana ang laman ng mga kitchen cabinet tulad ng spices at ingredients na maayos naman na nakalagay sa mga container at organizer.
Siyempre, bilang mahilig sa tea, hindi rin mawawala sa kusina ni Ivana ang mga paborito niyang tea na nakalagay naman sa isang rack.
Proud din na ibinahagi ni Ivana ang high-tech feature ng kanyang kusina kung saan tuwang-tuwa umano siya. Ito ay ang ipinalagay niyang pull-down cabinet shelf.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Samantala, ipinakita rin ni Ivana ang favorite spot niya sa kanyang kusina at ito ay ang kanyang mga pantry. Laman kasi ng mga pantry ang mga paboritong chichirya at pagkain ni Ivana mula pa noong siya ay bata pa.
Bahagi ni Ivana, “Kasi mahilig ako sa mga unhealthy foods, mga chichirya, so eto yung aking mga paborito nung bata ako…ang happy ko kasi meron na silang lagayan.”
Credit: Ivana Alawi YouTube
Bukod sa kanyang pantry, nagbigay din ng fridge tour si Ivana kung saan ipinasilip niya ang laman ng kanyang fridge na sa unang tingin ay iisipin mong isa lamang sa mga cabinet dahil sa kulay puti rin ito.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa huli, sinabi naman ni Ivana na malaking biyaya ang pagkakaroon niya ng napakagandang kusina na isa nga sa mga pangarap niya bilang mahilig siyang magluto.
“‘Yun kasi ang dream ko talaga, magandang kusina kasi dito lagi akong nagluluto, so isa siya sa mga investment ko. Having this dream kitchen is a huge blessing,” saad pa ni Ivana.