Ivana Alawi, inilalaan ang kinikita para maipatayo ang dream house ng kanyang pinakamamahal na mama

Dream come true para kay Kapamilya actress-vlogger Ivana Alawi ang maipatayo ang pinapangarap nilang bahay ng kanyang inang si Fatima Marbella.

Credit: @mama_alawi Instagram        

Sa kanyang pinakabagong vlog, ay excited na ipinakita ni Ivana ang desenyo ng ipapagawa niyang bahay para sa kanyang ina.

Aniya, “I’m so excited kasi another achievement, another dream come true.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ikinuwento ni Ivana sa vlog na sila mismo ni Fatima ang nagdesenyo ng bahay.

Kwento ni Ivana, “Kami ni Mama ‘yung nag-design. Gusto ko maraming salamin na bahay. ‘Tapos si Mama sabi niya gusto niya gold tsaka high ceiling.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Modern at Italian inspired daw ang napili nilang maging interior design ng bahay.

Ani Ivana, “So, modern siya but ‘yung inside niya is parang Italian na gold. Gusto kasi ni Mama ng gold kaya puro gold ‘yung design niya.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Pagkukuwento pa ni Ivana na gustong-gusto raw ng kaniyang ina ang lokasyon ng pagpapatayuan nila ng kanilang dream house.

Ang kanyang ina rin daw ang nagplanong gawing tatlong palapag ang bahay kahit na ang gusto niya ay dalawang palapag lang ito dahil iniisip niya na baka mahirapan ang ina sa pag-akyat.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Plano rin ni Ivana na magpalagay nalang ng elevator para hindi mahirapan ang kanyang ina at ang kapatid na si Mona.

“So, siya ‘yong namili nitong lupa na ‘to, ‘tapos we’re gonna start building her dream house. ‘Yung three floors siya ang namili kasi gusto ko sana two floors kasi nga matanda na si Mama. So, baka magpalagay din kami ng elevator kasi nga si Mama,” sabi pa ni Ivana sa vlog.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Personal na pinili rin ni Fatima ang United International Decor (UID) na isang kumpanyang naka-base sa Bahrain.

Dahilan ng ina ng actress-vlogger, “Magaling siya mag-design, ‘tapos high ceiling. ‘Tapos ‘yung quality hindi niya tinitipid, so ‘yun ang importante. ‘Yung quality ng gawa.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Samantala, katas ng kanyang pagsisikap na magbigay saya sa kanyang mga subcriber sa YouTube ang perang gagamitin ni Ivana sa pagpapatayo ng dream house ng kanyang ina.

Ikinuwento na noon ni Ivana sa kanyang vlog na ni piso mula sa kinikita niya sa YouTube ay hindi niya ginagastos dahil nakalaan ito para sa dream house ng kanyang Mama Fatima.

Credit: Ivana Alawi YouTube

“Hindi ko pa siya nagagastos kahit piso kasi nga pambili ko yun sa bahay ni mama,” kwento ni Ivana sa vlog na ibinahagi niya noong April 21.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, ay kumikita si Ivana mula sa kanyang YouTube vlogs ng 5 to 6 digits. Nilinaw naman ni Ivana na hindi siya pumasok sa YouTube para kumita, gusto lang daw talaga niyang magbigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang kwelang personalidad at walang halong kaartehan na videos.