Apat na taon na ang makalipas mula nang mabili ng aktres at sikat na YouTuber na si Ivana Alawi ang kanyang magarang van na pina-customize pa niya para maging swak sa kanyang trabaho. Ito ang ibinahagi ni Ivana sa kanyang van tour vlog kung saan ay ipinakita niya ang loob ng kanyang van.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Ayon kay Ivana, ipinagawa niya ang van para magamit niya tuwing may tapings at sho0tings siya. Kung minsan daw kasi ay umaabot ng 24 oras ang kanyang tapings at para may matulugan siya kaya nagdesisyon siyang kumuha ng isang van.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Ani Ivana, “For my eyes only na lang itong van na ito kasi hindi ko na nagagamit…Itong van na ito, pinagawa ko siya, pinaka-customize ko siya siguro 4 o 3 years ago kasi para sa taping tapos nagkaroon ng p@ndemic.”
Dagdag niya, “This was meant to be my second home kasi dito dapat ako titira. So, short kwento, kaya ko siya pinagawa kasi investment siya para makatulog ako kasi ang taping namin inaabot ng 24 hours, tapos diretso sa second location.”
Kaya lang dahil may p@ndemya, “for her eyes only” muna ni Ivana ang kanyang artista van.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Aniya, “So ako naman si asyumera na akala ko hanggang ngayon may taping kaya nagpagawa ako, so since may p@ndemic at wala akong taping at takot akong makipaglaplapan sa iba, siguro soon.”
Gayunpaman, masayang itinour ni Ivana ang kanyang milyun-milyong subscribers sa kanyang van. Tulad ng karaniwang artista van, kumpleto sa gamit ang van ni Ivana. Sa loob ay pwede kang magpahinga, kumain, matulog at manood ng TV.
Habang ang mga upuan naman ng van ay pwedeng mag-transform sa isang komportableng kama. Sa compartment naman ng isang upuan, makikita ang mga itinatagong iba’t ibang klaseng pagkain ni Ivana.
Credit: Ivana Alawi YouTube
“Welcome to my sari-sari store so marami ako ritong mga pagkain kasi parati akong gutom, ito, mga tsitsirya, mga pangbarangay na pagkain kasi mahilig ako, pati chocolates. So alam n’yo na pag pupunta kayo sa van ko, alam n’yo na kung saan ang taguan kasi iba-iba ang laman niya everyday,” ani Ivana.
Bukod sa mga pagkain, may isang mahalagang bagay pa na makikita sa van ni Ivana at ito ay isang kulay asul na arinola.
Credit: Ivana Alawi YouTube
‘Essential’ kung ituring ni Ivana ang kanyang dalang arinola lalo na ngayon na hindi muna siya umiihi sa mga public CR.
“Sobrang importante itong orinola kasi nagagamit ko kasi ayaw kong nagsi-CR sa labas kaya hindi ko ikinakahiya ang orinola ko at least hindi ako magkakasakit sa pantog. Tinatapon ko na lang pag-uwi ko (ng bahay), pa-mine na lang. Ha-hahaha!” ani Ivana.
Huling ibinida ni Ivana sa kanyang van tour ang pinalagay niyang star lights na pwedeng magpapalit-palit ng kulay.