Umani ng maraming papuri mula sa mga netizen ang bagong hairstyle ng aktres at sikat na vlogger na si Ivana Alawi na makikita sa kanyang Instagram post.
Nitong December 8, ipinost ni Ivana ang isang larawan kung saan ay ibinida niya ang kanyang fresh at young looking look sa kanyang bagong hairstyle.

Nagmistulang isang buhay na manika si Ivana sa kanyang wavy short hairstyle. Bumagay ang maikling hairstyle ni Ivana sa kanyang maamo at maliit na mukha. Ang bagong hairstyle ni Ivana ay para sa isa niyang endorsement.
Hindi naman mahahalata kung wig lamang ang kanyang buhok o kung totoong nagpagupit siya. Gayunpaman, aprubado pa rin sa maraming netizens ang new look ni Ivana dahil mas gumanda umano si Ivana sa kanyang short hair.

May ilang netizens din ang nagkomento na bumata ng ilang taon ang 23 taong gulang na actress-vlogger dahil sa kanyang maikling buhok. Narito ang mga komento ng netizens sa bagong hairstyle ni Ivana:
“Wow bagay short hair ganda mariam”
“Sobrang bagay po ng bagong hairstyle”
“Kahit maiksi buhok ganda padin”
“ANG GANDAAA MO SA SHORT HAIR”

“Grade lods! Parang bumata ka sa new hair mo ng 5 years!”
“Ugh! That short hair was even more beautiful with u”
Sa ngayon, umani na ng mahigit 600 libong likes ang larawan ni Ivana sa Instagram.

Samantala, kamakailan ay isang milestone na naman ang na-unlock ni Ivana sa kanyang vlogging career matapos umabot na sa 10 milyon ang kanyang mga subscriber sa YouTube.
Matatandaang August 28, 2019 ay inupload ni Ivana ang kanyang kauna-unahang vlog sa nasabing video sharing platform.

Mahigit isang taon nga ang makalipas ay malayo na ang narating ni Ivana bilang isang vlogger.
Taos-puso namang nagpapasalamat si Ivana at ang kanyang buong pamilya sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanyang mga YouTube vlog.

Aniya sa kanyang Instagram post, “HAPPY 10 MILLION!!! 😭🥰❤️ 1 year and 2 months on Youtube. Thank you for making all this possible 🥰 We love you!!! -Alawi Family”
Makakatanggap naman si Ivana ng isang Diamond Creator Award mula sa YouTube. Ang nasabing award ay gawa sa silver-plated metal inset na mayroong malaking pirasong hugis triangle na play button colorless crystal.