Maraming beses na napahanga ni Ivana Alawi ang mga netizen dahil sa kanyang mga nakakatuwang vlog sa YouTube na hindi lamang nagpapakita ng kanyang kagandahan ngunit ng kabusilakan din ng kanyang kalooban.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Kamakailan lamang ay gumawa ng panibagong vlog si Ivana na “Prank On Strangers” na talaga namang nagpaluha at nagpaantig sa puso ng maraming netizens.
Umani na ng milyun-milyong views at reaksyon ang nasabing video ni Ivana kung saan mapapanood siyang nagpanggap bilang isang pulubi at nagbihis bilang taong grasa habang naglalakad sa mga kalye.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Layunin nga ni Ivana sa vlog na makahanap ng mga taong may mabubuting puso na handang tulungan ang mga katulad niyang namamalimos sa kalye.
Iba’t ibang klaseng tao ang nakasalamuha at nag-abot ng pera kay Ivana. Abot-langit naman ang tuwa ng mga taong tumulong kay Ivana dahil sa bawat piso na kanilang ibinigay ay tinumbasan niya ito ng P1,000.
Credit: Ivana Alawi YouTube
At nasa 2,000 hanggang 20,000 piso rin ang nabigay ni Ivana sa mga taong tumulong sa kanya. Ngunit ang nag-iwan talaga ng marka at nagpaiyak kay Ivana at maging sa maraming netizens ay ang 58-anyos na nagtitinda ng kutsinta sa daan na si Tatay Joselito Martinez.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sobrang na-touch si Ivana matapos walang pag-aalinlangan siyang binigyan ng 20 piso ni Tatay Joselito kahit ito mismo ay naghihirap at nagsisikap lamang din na magtinda para sa kanyang pamilya.
Mas lalo namang naiyak si Ivana nang pumayag ang matanda na tawagin niya itong “Tatay”. Humanga rin si Ivana sa pagmamalasakit na ipinakita ni Tatay Joselito sa kanya dahil bukod sa pera ay ipinagbalot pa siya nito ng kutsinta. Sa katunayan, may balak pa sana si Tatay Joselito na bilhan din siya ng tubig o softdrinks.
Credit: @ivanaalawi_ph Instagram
Pero hindi na ito nagawa ni Tatay Joselito dahil nagulat siya sa biglaang pagbuhos ng mga luha ni Ivana.
Dito na nga ibinunyag ni Ivana ang kanyang tunay na katauhan at binigyan ng 20,000 piso si Tatay Joselito.
Credit: @ivanaacanada Instagram
Naging emosyonal naman si Tatay Joselito dahil hindi niya akalain ang malaking biyaya na dumating sa kanya.
Credit: @ivanaacanada Instagram
Samantala, kumalat naman ang mga larawan ni Ivana sa social media kung saan makikita siyang ipinagsa-shopping si Tatay Joselito.
View this post on Instagram
Tinupad nga ni Ivana ang kanyang pangako na ipapahanap niya si Tatay Joselito para higit pa niya itong matulungan.
Credit: @ivanaacanada Instagram
Dahil dito ay muli na namang pinahanga ni Ivana ang mga netizen. At muli na naman niyang ipinakita kung gaano kabusilak ang kanyang kalooban lalo na sa mga taong nangangailangan.