Nag-trending ang pamimigay ni actress-vlogger Ivana Alawi ng mga helmet at 10,000 cash sa mga food delivery rider.

Sa latest vlog ni Ivana, mapapanood ang pamimigay niya ng tig-iisang piraso ng helmet at 10,000 cash sa walong delivery riders.

Sa simula ng vlog, sinabi ni Ivana na sa kanyang sariling paraan ay gusto niyang mag-give back sa mga delivery rider para sa kasipagan ng mga ito sa paghahatid ng mga pagkain lalo na ngayong panahon ng p@ndemya.

Saad ni Ivana, “Palagi kasi akong umo-order ng pagkain sa mga delivery, tapos di ba kahit nung pandemic, sila talaga ‘yung bumabyahe, so I think it’s time to give back.”

Kaya rin naisip ni Ivana na bigyan ang mga delivery rider ng mga regalo ay dahil marami umano siyang nababasa na mga delivery rider na naloloko ng mga sc@mmer.

Naawa nga si Ivana sa mga delivery rider kaya naman gusto niyang pasayahin ang mga ito.

Ani Ivana, “‘Yung reason talaga kung bakit ko ‘to ginagawa is because marami akong nakikita na mga sc@mmer na mga tao na akala nila nakakatawa na pagtripan nila ang mga driver na nagpapakahirap magtrabaho.”

Dagdag niya, “Maraming way na maglokohan kayo pero huwag mong pag-tripan ang isang tao na nagtatrabaho ng marangal. Kaya ako, I’ll try to help in my own small way.”

Kinilala rin ni Ivana ang kasipagan ng mga delivery rider. Bukod pa rito, taos-puso ring nagpasalamat si Ivana sa lahat ng mga delivery rider.

Ani Ivana, “Gusto ko lang din sabihin na sobrang hardworking yung ating mga riders. Ang hirap kaya nu’n yung bibili ka ng pagkain di ba? ‘Tapos, titingnan mulang siya. Sobrang love ko talaga yung mga riders natin. Ever since lagi akong um-order sa mga pagkain, yung mga online delivery. Hindi kasi ako palabas kaya usually sila. And gusto ko lang din magpasalamat sa lahat ng mga nag-deliver sa akin throughout the years.”

Isa-isa ngang ibinigay ni Ivana ang mga helmet sa walong masuwerteng delivery rider. Bukod pa rito, binigyan din ni Ivana ng 10,000 cash ang walong delivery riders.
Sa huli, sinabi ni Ivana na patuloy niyang ibabalik sa mga tao kung ano man ang mayroon siya dahil sa suporta at pagmamahal ng mga ito.

Ani Ivana, “I will always keep giving back to you because kayo ang nagbigay kung ano man ang meron ako ngayon dito sa YouTube. And this is my small way of saying thank you.”
Wala ngang pagsidlan ang kaligayahan ni Ivana lalo na nang makita niya ang ngiti at maluha-luhang reaksyon ng mga delivery rider na binigyan niya ng mga regalo.

Ani Ivana, “And grabe my heart is so full talaga kapag nakapagpasaya ako ng tao. And this is what makes me happy too.”