Ivana Alawi, nanalo sa challenge na mamalengke at magluto ng masarap na ulam sa budget na P500!

Muli na namang pinatunayan ni Ivana Alawi na hindi lamang siya maganda at sexy dahil isa rin siyang “wife material” dahil sa kanyang efficiency pagdating sa mga gawain sa kusina.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa latest na vlog ni Ivana, mapapanood kung paano niya hinamon ang kapatid na si Hashim Alawi mula sa pamamalengke hanggang sa pagluto ng ulam kasama ng kanilang Mommy Fatima at bunsong kapatid na si Mona Alawi.

Sa palengke, masasaksihan ang malaking pagkakaiba ni Ivana at Hash pagdating sa pamimili ng ingredients. Kung todo ang pamimili ng aktres, ganoon naman katipid si Hashim dahilan kung bakit 195 pesos lamang ang kanyang kabuuang nagastos.

Nang tinanong ni Ivana kung paano niya napagkasya ang 195 pesos sa biniling ingredients, “quality over quantity” naman ang naging sagot ni Hashim dahilan kung bakit hindi napigilan ng kanyang teammate na si Mona na manghinayang.

“Wala ngang quality, wala ding quantity kasi ang konti ng binili mo. Bakit ka nagtipid? 500 ‘yung budget eh,” reklamo ni Mona sa kapatid.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kahit na’y mukhang first time lamang ni Hashim magluto ng sinigang, alam naman niya ang basics pero sa kalagitnaan ng kanyang ginagawa, patuloy sa pagdududa si Mona sa kakayahan ng kapatid.

“Feeling ko hindi talaga ganito gumawa ng sinigang,” saad ni Mona ngunit para kay Mommy Fatima, malakas ang kanyang paniniwala na “mukhang masarap” umano ang nilulutong sinigang ni Hashim.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kung si Hashim ay mukhang nahirapan sa pagluluto ng sinigang, kabaliktaran naman ito sa pagiging professional ni Ivana sa paghahanda ng ingredients at pagluluto ng afritadang manok. Kahit na’y teammate niya ang kanyang Mommy Fatima, solo pa rin ng aktres ang ginagawa dahilan kung bakit marami sa netizens ang bumilib sa part na ito ni Ivana.

Habang abala sa ginagawa ang team FatVan, ibinahagi naman ni Mona na determinado na siyang magpaturo sa kanyang Mommy Fatima sa pagluto ng sinigang marahil ay inspired na naging performance nila ng kanyang Kuya Hashim.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nang matapos sa pagluluto ng afritadang manok, oras na para sa tikiman portion kung saan ay “matabang ang sabaw” sa sinigang ni Hashim ang naging general na komento ng tatlo nilang judge na sina KC, Mae, at Kuya Ronald habang “masarap” naman para sa afritada ni Ivana.

Sa puntos na 3-0, matagumpay na nanalo si Ivana sa challenge na “Palengke+Cooking” ngunit kahit na’y ganoon, doble naman ngayon ang dedikasyon ni Hashim na mas mag-improve pa sa pagluluto.