Ivana Alawi, nangunguna sa listahan ng mga sikat na YouTube vloggers sa Pilipinas!

Muling pinatunayan ni Ivana Alawi na siya ang reyna sa larangan ng vlogging dahil talaga namang consistent ang paghahatid niya ng saya at good vibes sa netizens.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Mula sa pagmomodelo, pinasok rin ni Ivana ang showbiz kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang galing sa pag-arte kaya naman marami ang nasurpresa nang sumabak ang aktres sa pagva-vlog noong taong 2019 kung saan ay nahanap niya ang kanyang passion.

Kaagad naman na pumatok sa netizens ang bawat vlog na ibinabahagi ni Ivana sa kanyang YouTube channel hanggang sa dumami ang kanyang subscribers. Naging daan din ang vlogging upang mas makilala ng kanyang fans si Ivana kung saan ay nadiskubre siyang isang napaka-sweet na anak at Ate sa mga kapatid. Maliban dito, may busilak din na puso ang Pinay vlogger dahil madalas siyang nagbabahagi ng tulong sa mga taong labis na nangangailangan.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Maganda, s3xy, at successful pa, imbes na angkinin ang lahat para sa sarili, araw-araw na pinipili ni Ivana na tulungan ang kanyang pamilya at ang kanyang kapwa lalo na’t marami ngayon ang nahihirapan sa buhay dulot ng p@ndemya.

Ilang taon naman simula nang pinasok ang mundo ng pagva-vlog, patuloy pa rin sa pagbibigay ng kasiyahan ni Ivana sa kanyang mga manonood. Nagsilbi din siyang inspirasyon para sa karamihan na mas magpursige pa sa lahat ng ginagawa upang makamit ang lahat ng pangarap sa buhay at makatulong sa iba lalo na sa mga taong higit na nangangailangan.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Mula pa man noon hanggang ngayon, consistent talaga si Ivana kaya naman, siya ang nangunguna sa lahat ng YouTube content creators sa Pilipinas ngayong taon!

Kasama rin ni Ivana sa Top Content Creators 2021 sina Zeinab Harake na nasa ikalawang puwesto, Gonzaga sisters, Vice Ganda, Donnalyn Bartolome, Cong TV, at marami pang iba.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Nasa ika-siyam na puwesto rin ang lalaking kapatid ni Ivana na si Hash Alawi na kumakailan lamang nang nagsimula na ring mag-vlog.

Sa ngayon ay pumapalo na ng 14.4 milyong subscribers si Ivana sa Youtube at patuloy itong dumadami! Deserve naman ito ng aktres slash vlogger kasi hindi niya kailanman binigo ang kanyang fans dahil talaga namang “worth it” ang panonood sa bawat vlogs niya kung saan ay madalas niyang kasama ang mga kapatid na parehong gustong-gusto ang pagpa-prank.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Hindi lamang nakakapag-enjoy sa panonood ang fans ni Ivana sa kanyang vlogs dahil nagsisilbi rin itong “stress reliever” para sa karamihan na talaga namang hanap-hanap ngayon ng netizens.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Kahit sa kasikatan at ningning na nakakamit ngayon ng pinay vlogger, nananatili pa ring nakatapak ang mga paa ni Ivana sa lupa na sadya namang naging susi at dahilan upang mas mahalin pa siya ng kanyang fans at subscribers.