Ivana Alawi, proud na ipinasilip ang office ng kanyang pagmamay-aring business!

Isa na namang panibagong achievement ang ipinagdidiwang ngayon ni Ivana Alawi dahil isa lang naman siyang CEO sa sariling kompanya!

Credit: Ivana Alawi YouTube

Bagama’t matagumpay man ang kanyang career bilang isang aktres at vlogger, may isa pa palang pangarap si Ivana Alawi at ito ay ang maging CEO sa sariling negosyo.

Sa latest na vlog na ibinahagi ni Ivana sa kanyang Youtube channel, ipinasilip niya ang kanyang office na siyang headquarters sa kanyang negosyo na “Ivana Skin”.

Hindi lamang isang typical na opisina ang headquarters ng “Ivana Skin” dahil mapapanood naman sa vlog kung gaano ito ka-elegant at ka-sosyal dahil sa kulay nitong turquoise, gold, at white. Maliban dito, may iilang walls din na gawa sa marble at mukhang mamalin ang mga kagamitan.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Of course, hindi mawawala ang magaganda at glamorosong portraits ni Ivana na naka-hang sa wall o hindi naman kaya’y naka-frame at nasa gilid.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ang testing area ang unang bubungad sa mga taong papasok sa office ni Ivana. Kasunod naman nito ay ang working area na siyang personal na space ng kanyang mga empleyado. May pantry area, coffee corner, washing at stock room din ang “Ivana Skin” headquarters.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Pagkukwento ni Ivana, mahilig na talaga siya sa skincare at ‘nung bata pa siya, wala siyang masyadong confidence sa kanyang katawan kaya naman nang nalagpasan na ang kanyang insecurities, nais niyang palawigin ang kanyang influence kaya naisipan niyang i-launch ang “Ivana Skin”.

“Noong bata ako, sobrang hilig ko talaga sa skincare and ‘nung bata ako, hiyang-hiya ako sa skin ko. Hindi ako makapag-sleeveless. Nahihiya talaga ako. Wala akong confidence sa sarili ko at natuto akong alagaan ang sarili ko,” pahayag niya.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ibinahagi rin ni Ivana na tatlong taon ang inabot sa pagsubok nila ng “skin care formula” dahil nais talaga niya na makapagbigay ng solusyon sa mga taong walang confidence sa sarili at sa kanilang skin.

Credit: Ivana Alawi YouTube

At dahil CEO na ngayon ng “Ivana Skin,” talagang pinaunlakan ni Ivana ang kanyang pangarap na sariling opisina kung saan ay bubungad ang kanyang malaking portrait at magagandang mga halaman. Sa kabuuang headquarters hanggang sa sariling office ni Ivana, aakalain talaga na parang hindi ito located sa Pilipinas dahil feel na feel talaga ang vibes at ambiance ng Paris.