Ivana Alawi, sinulit ang kanyang ika-26 na kaarawan sa pamimigay ng mga laruan at pagbahagi ng cash gifts sa mga batang nasa ospital!

Hindi lamang entertainment ang hatid ng bawat vlog ni Ivana Alawi dahil kadalasan sa mga ito ay may purpose at substance kaya marami talaga ang patuloy na tumatangkilik sa aktress-vlogger dahil sa kabutihan ng kanyang puso.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa tuwing sumasapit ang ating kaarawan, hindi talaga natin napipigilan ang sarili na ma-excite dahil sa mga regalong inaasahan nating matatanggap pero ibahin niyo ang nag-iisang Ivana Alawi dahil imbes na pansariling kaligayahan ang isipin, kasiyahan lang naman ng iba ang kanyang priority.

Hindi lamang sa pag-aartista o vlogging ang yaman na meron si Ivana dahil nagmamay-ari rin siya ng maraming properties pero sa kabila nito, aminado siyang hindi niya masyadong na-eenjoy ang lavish na lifestyle. Sa katunayan, contented na nga siya sa pagkakaroon ng simpleng buhay kasama ang lahat ng kanyang mga mahal sa buhay kung saan ay nakapagbibigay siya sa charities at nakakatulong sa kapwa katulad na lamang nang sumapit ang kanyang ika-26 na kaarawan noong December 25 kung saan ay bumisita siya sa National Children’s Hospital at namigay ng mga laruan at 5000 worth na cash gifts sa mga batang may sakit!

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa vlog na in-upload ng aktres nito lamang nakaraang Martes, January 10, ibinahagi niyang ito umano ang kanyang paraan upang pasalamatan ang lahat ng mga taong sumuporta sa kanyang vlogs pati na rin ng Ivana Skin. Ibinahagi rin niyang sentimental ang pamimigay nila ng mga laruan at cash gifts sa mga batang may sakit dahil sa experience ng kanyang pamilya noong nasa ospital ang bunso niyang kapatid na si Mona dahil sa pagkakaroon nito ng type 1 di@betes.

“Alam kong maraming batang may sak!t na nagce-celebrate ng birthday nila sa ospital at hindi nila gusto. Siyempre gusto natin nando’n tayo sa labas,” saad ni Ivana.

Dagdag pa niya, “Very malapit sa puso namin ‘yung mga kids na may sakit at nasa ospital kasi alam namin ‘yung feeling kung gaano kabigat at gaano kasakit. Si Mona, doon siya na-ospital before and nakita ko ‘yung mga kids doon. Naalala ko lang sila at gusto ko silang maging masaya.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Dahil sa C0vid-19 na protocols, hindi personal na naibigay ni Ivana ang mga regalo sa mga pasyente pero naibigay naman ito ng kanyang team sa mga nurse ng nasabing ospital na silang magdi-distribute nito sa mga bata.

Kahit na’y pansariling kasiyahan man dapat ang concern ni Ivana sa celebration ng kanyang birthday, mas pinili naman niyang ibahagi ang natanggap niyang blessings sa mga taong mas nangangailangan.