Ivana Alawi, sinurpresa ang kanyang ina na si Fatima ng isang bagong sasakyan

Pinatunayan muli ng YouTuber at aktres na si Ivana Alawi na uunahin niya muna ang kanyang pamilya bago siya. Sa pagsisimula ng taon ay may isang bigating sorpresa na inihanda si Ivana para sa kanyang Mama Fatima.

Credit: Ivana Alawi Instagram         

Sa pinakabagong vlog ni Ivana sa kanyang YouTube channel ay mapapanood ang pagsusurpresa nilang magkakapatid sa kanilang ina. Isang brand new car na nagkakahalaga ng mahigit 3 milyong piso ang binili ni Ivana para ibigay sa kanyang Mama Fatima.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Ayon kay Ivana, nais niya munang bigyan ang kanyang pamilya ng tig-iisang kotse bago umano niya bilhan ang kanyang sarili.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Una ngang binilhan ni Ivana ang kanyang Mama Fatima at sa susunod naman ang kanyang mga kapatid.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Kwento ni Ivana sa vlog, “Kaya ko binilhan si Mama muna ng kotse kasi gusto ko sila muna bago ako. ‘Pag lahat sila nakakuha na ng kotse, bibilhan ko na sarili ko.”

Credit: Ivana Alawi Instagram

Ngunit bago surpresahin ang kanilang Mama Fatima ng isang brand new car ay isang prank muna ang ginawa ni Ivana at ng kanyang mga kapatid na sina Hashim at Mona.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Ani Ivana, “Ang gagawin namin kausap ko na yung brother ko magtatarayan kami, mag-aaway kami. Pagalingan nalang kami mag-away.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Dagdag niya, “We’re excited to do this kasi isang pasabog ‘to for 2021. And I’m sure magiging masaya si Mama pero before we do that kailangan nating i-prank siya and aside from that mag-aaway kami ni brother but don’t take it to the heart because it’s just a prank.”

Credit: Ivana Alawi Instagram

Umpisa pa lamang ay nakokonsensya na umano si Ivana dahil sa prank na gagawin nila sa kanilang Mama Fatima.

“Nakokonsensya ako kasi 2021 na ma-sstress ang mama ko talaga sa akin sa gagawin namin ngayon,” ani Ivana.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Nagpainit nga ng ulo ng kanilang Mama Fatima ang pag-aaway nilang magkapatid.

Nalusaw naman ang init ng ulo ng kanilang Mama Fatima matapos malaman na isa lamang prank ang kanilang pag-aaway.

Matapos ibunyag na nagpa-prank lamang sila ay sinabi na ni Ivana ang kanilang sorpresa para sa kanilang Mama Alawi.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Sobrang na-touch naman ang kanilang Mama Fatima at napaiyak na lamang dahil sa ka-sweetan nilang magkakapatid.

Saad ni Fatima, “Ang sweet-sweet niyo naman. ‘Di ko naman kailangan ‘yan eh. Kayo nga lang masaya na ako.”

Credit: Ivana Alawi Instagram

Sa huli ay nagyakapan silang mag-iina. Masasabi naman ni Fatima na “best kids” ang kanyang mga anak.

Ani Fatima, “I love you all. Thank you so much. Kayo lang sapat na. Hindi na dapat kayo nag-abala pa. The best kids. Ano pa ang hihilingin mo? Grabe. So blessed to have a kids like you.”