Ivana Alawi, tinupad ang hiling ng kanyang kasambahay na mapaayos ang ilong

Paano nga ba tayo nagkakaroon ng confidence sa sarili? Marahil ay sa ating pagtanda, napagtatanto natin na career o achievements pala sa buhay ang nakakapagbigay sa atin ng kaligayahan at kumpyansa ngunit hindi talaga maipagkakaila ang katotohanan na malaki pa rin ang importansyang ibinibigay natin sa ating pisikal na appearance.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kahit ilang ulit man nating kumbinsihin ang ating sarili, may mga pagkakataon talaga na affected tayo sa opinyon ng iba. Minsan pa nga, nalalait tayo dahil hindi umano pasado sa standard ng beauty ang ating pisikal na anyo dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng insecurities.

Sa panahon ngayon kung saan ay marami na ring makabagong teknolohiya at madali na lamang magpunta sa isang clinic upang magkaroon ng pl@stic surg3ry, may mga tao naman na kahit gaano nila kagusto na i-improve pa ang kanilang sarili, hindi naman ito kasya sa kanilang budget dahil sa priorities nila sa araw-araw.

Sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Ivana Alawi, tiyak na maraming nakakakilala sa vlogger-aktres. Nasa harap man ng kamera o vlog man, masasabi naman na hindi nagkakalayo ang personalidad na ipinapakita niya sa TV at sa totoong buhay dahil hindi lamang siya isang responsableng anak at mapagmahal na kapatid dahil sobrang caring din niya pagdating sa kanyang mga empleyado.

Sa latest na vlog na ibinahagi ni Ivana, featured ang isa sa kanyang house helpers na si May. Bilang katuwaan, napagdesisyunan ng aktres na i-prank si May kung saan ay kinumprunta niya ito na marami umano sa kanyang mga kasamahan ang nagrereklamo dahil sa ‘di umano’y pagtataray niya.

Nang naiyak, hindi na napigilan ni Ivana na sabihin sa kanya ang totoo at sinurpresa na sagot umano niya ang rhinoplasty ni May sa clinic ni Dra. Vicki Belo.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ayon kay May, dati na umano siyang nilalait dahil sa kanyang ilong kaya talagang naging emosyonal siya sa regalo ni Ivana kahit na’y idinaan pa ito ng aktres sa isang prank.

“Ang importante sa’kin, makapagpasaya ng tao. Sa mga against sa pagpaparetoke, okay lang naman kung dream talaga ‘nung tao kasi hindi naman namin pinipilit or ano,” pahayag ni Ivana.

“It’s her body and gagawin ko ‘yung makakapagbigay sa kanya ng confidence at kung anong makakapagpasaya sa kanya.”

Minsan, hindi na keri at naidadaan sa self-love ang insecurities na talagang tagos sa puso ang sakit kaya may mga tao na nais o hindi kaya’y sumasailalim ng pl@stic surg3ry dahil sa kanilang paniniwala na sa pamamagitan nito madadagdagan ang kanilang kumpyansa sa sarili.