Ivana Alawi, tinuruang mag-carwash ang mag-inang sila Dra. Vicki Belo at si Scarlet Snow

Hindi nagpahuli si celebrity doctor Dra. Vicki Belo sa mga nauusong video challenge ngayon sa social media. Sa kanyang pinakabagong vlog, ay nakipag-collaborate si Dra. Vicki sa isa sa mga pinakasikat at pinakaseksi ngayong aktres at vlogger sa bansa na si Ivana Alawi.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube       

Dahil baguhan pa lamang sa mundo ng pagba-vlog kaya naisip ni Dra. Vicki na humingi ng tulong kay Ivana. Aniya, “Kasi siya ‘yung YouTube star so sabi ko, ‘help, hindi ako marunong’. Gusto ko rin makisali, alam mo naman ako feeling young…”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Bago sumabak sa pagka-car wash ay tinanong muna ni Dra. Vicki si Ivana kung anong sekreto nito at bakit maraming nanonood sa kanyang mga car wash at ‘laba’ video.

Ani Dra. Vicki, “I’m wondering why people love to watch your car wash videos, your ‘laba’ videos and it’s the girls who love to watch it. Do you understand [kung] bakit ganun?”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Tugon naman ni Ivana, “Hindi talaga…Wala eh, normal ko kasi siyang ginagawa. So, parang hindi ko din pa maintindihan, Doc. Pag-aaralan ko pa. ‘Bakit nga ba guys? Bakit natutuwa kayo sa aking pagka-car wash at paglalaba?'”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Ikwenento ni Dra. Vicki na kaya niya gustong subukan paano mag-car wash para umano magkaroon siya ng bagong talento at karanasan. Bukod dito rito ay gusto rin daw niyang turuan ang kanyang anak na si Scarlet Snow ng mga gawaing bahay.

“Ako naman gusto ko lang magkaroon ng mga bagong talent and experience. And I want Scarlet sana also to learn. Kasi now she’s setting the table with the plates,” pag-amin ni Vicki.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Dagdag pa ni Dra. Vicki, mas mainam din daw na matuto siya ng mga simpleng bagay kagaya ng pagka-car wash dahil sa ngayon daw aminado siyang mahirap nang kumuha ng katulong.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Aniya, “Pero ako, lumaki ako ng walang kaalam-alam sa mga [gawaing] bahay and si Krystal din lumaki tulad ko. Nahihirapan kami ngayon, kasi mahirap nang makakuha ng help…So sabi ko, I better learn.”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Kagaya ng mga dating car wash video niya ay kapansin-pansin ang pagiging s3xy ni Ivana habang naglilinis ng kotse. Step by step na itinuro ni Ivana kay Dra. Vicki ang tamang paglilinis ng kotse na may halong kaseks!han.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Hindi naman nagpakabog si Dra. Vicki at ginaya ang pag-kembot ni Ivana habang naglilinis ng kotse. Sumali rin si Scarlet sa paglilinis ng kotse. Sa huli nga ay tinutukan ni Scarlet si Ivana ng tubig kaya naman basang-basa ang aktres.

Aliw na aliw naman ang netizens sa car wash video nina Dra. Vicki at Ivana. Narito ang kanilang komento:

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

“The best collab part2 pls Ivan’a and dock vicki belo”

“Loving the Colab 😍😍😍”

“LOL.. really funny.. great tandem… had a good laugh here..”

“so much fun watching this..”