Iwa Moto, ibinida ang kanyang baby bump sa isang maternity photo shoot

Isa ang pagbubuntis sa mga pinakamahalagang kaganapan sa buhay ng isang babae. Kaya naman importante ang pagkuha ng mga ‘pregnancy picture’ dahil hindi habambuhay na mananatiling buntis ang isang babae.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram 

Ang mga pregnancy picture ay magsisilbing ‘memento’ na babalik-balikan ng mga ina upang alalahanin ang panahon na may isang tao na nabubuhay at lumalaki sa kanyang sinapupunan. Ito rin ang dahilan kung bakit popular ngayon ang mga maternity photo shoot. Kabilang sa mga pregnant mom na game na game na sumabak sa isang maternity photo shoot ay ang ilan sa mga hinahangaan nating Pinay celebrity.

Naging bahagi na nga ng pregnancy journey ng mga Pinay celebrity ang pagsalang sa isang maternity photo shoot upang ibida ang kanilang baby bump at ipagdiwang ang kanilang pagbubuntis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aileen Iwamoto (@iam_iwa)

Isa rito ang aktres na si Iwa Moto na kamakailan ay ibinida ang kanyang baby bump. Kasalukuyan ipinagbubuntis ni Iwa ang ikalawang anak nila ng kanyang partner na si Pampi Lacson.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Iwa ang ilang larawan niya kuha mula sa kanyang maternity photo shoot.

Simple lamang ang naging konsepto ng maternity photo shoot ni Iwa. Makikita sa litrato si Iwa na nakaupo at umaaktong kumakain ng cookie habang ibinibida ang kanyang baby bump. Napakasayang tingnan ng aktres sa kanyang simpleng maternity photo shoot.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

“I am blessed. Thank you Lord for giving us this wonderful gift,” caption ni Iwa sa kanyang Instagram post.

Ibinunyag naman ni Iwa at ni Pampi sa isang gender reveal vlog na lalaki ang kanilang magiging ikalawang anak.

Excited na nga sina Iwa at Pampi pati ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang baby boy.

July 23, 2020 ibinahagi ni Iwa sa isang Instagram post na siya ay buntis sa ikalawang anak nila ni Pampi.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

“Hello there little one..We are all excited to meet you. But for now chill ka muna dyan. Magpalaki ka at magpalakas. Wag mo na pahirapan si mommy hah..Love you,” caption ni Iwa sa kanyang post kalakip ng sonogram picture ng kanyang ipinagbubuntis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aileen Iwamoto (@iam_iwa)

Ang panganay na anak nina Iwa at Pampi na si Hiromi Aiko Eve ay isinilang noong September 2013.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Pampi ay ang ex-husband ng aktres na si Jodi Sta. Maria. Mayroong isang anak sina Jodi at Pampi na si Thirdy. At kahit napawalang-bisa na ang kanilang kasal na dalawa ay nanatiling magkaibigan pa rin sina Jodi at Pampi.