Iya Villania at Drew Arellano, masaya sa bagong milestone ng kanilang pamilya at ito ang pagpapagawa ng bahay!

Isa na namang milestone ang nakamit ni Iya Villania at Drew Arellano sa kanilang buhay dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng bahay para sa buo nilang pamilya.

Credit: @iyavillania Instagram

Hindi na naman bago pa sa pandinig ng netizens ang pangalan ng celebrity couple na si Iya at Drew dahil noon pa man, isa na sila sa mga kilalang artista sa industriya ng showbiz dahil sa kanilang angking talento sa napiling mga larangan katulad na lamang ng pagho-host sa mga sikat na TV show.

Naging daan sa pagmamahalan ni Drew at Iya ang showbiz kung saan sila nagkatagpo hanggang sa nagpakasal at nakabuo ng isang masayang pamilya at ngayon ay may tatlo ng mga anak. Sa ilang taon nilang pananatili sa industriya, marami ang halos hindi makapaniwala na hanggang ngayon ay naninirahan lamang sila sa isang condo kaya naman labis ang tuwang naramdaman ngayon ng couple nang ibinahagi sa social media ang magandang balita.

Credit: @iyavillania Instagram

Sabado, December 4 nang ibinahagi ng “Mars Pa More” host na si Iya sa kanyang Instagram account ang balitang handang-handa na sila sa ipapatayong bahay na ayon sa kanya ay ang kauna-unahan umano nilang “family home”.

“Today was a special day ❤️ a first for our family 🏡 Thank you, Lord 🙏🏼,” sulat ni Iya sa kanyang caption kalakip ng mga larawang kuha niya mula sa ginawa nilang “Groundbreaking Ceremony”.

Sa katunayang first time ito para sa kanilang pamilya, hindi napigilan ni Iya na makaramdam ng excitement dahil sa wakas, magkakaroon na rin sila ng sariling bahay.

Mukhang hindi lamang ang couple at ang kanilang pamilya ang natuwa dahil pati fans at kapwa nila celebrities ay naki-share rin sa nararamdaman nilang kasiyahan dahil natupad na rin ang isa sa mga matagal ng pinapangarap ng mag-asawa para sa kanilang pamilya.

Credit: @iyavillania Instagram

Nanguna sa comment section ay ang kapwa “Mars Pa More” host ni Iya na si Camille Prats na nagsabing, “Sooo happy for you guys!!! Lezzzgooooo”

“Wow! Congratulations!!!” komento ni Dimples Romana.

“Yan naaaa! Congratulations!!! Excited for you guys!!++” pahayag ni Bianca Gonzalez.

Credit: @iyavillania Instagram

“Congratulations!” pagbati naman ni Juancho Trivino.

Kung noo’y pangarap lamang para kay Iya at Drew na makapagpatayo ng bahay para sa kanilang lumalaking pamilya, ngayon ay nakamit na nila ito matapos ang ilang taon kaya naman isa ito sa mga kaganapang talagang hindi malilimutan ng pamilyang Villania-Arellano sa buo nilang buhay.