Iya Villania, ikwinento na minsan na siyang naging kontrabida sa buhay ng asawang si Drew Arellano

Isa si Iya Villania at Drew Arellano sa mga celebrities na nagawang makahanap ng tunay na pag-ibig sa mundo ng showbiz. Tila’y nagsilbing daan ang industriyang pareho nilang kinabibilangan upang matagpuan ang isa’t-isa.

Credit: @iyavillania Instagram

Of course, bilang magkasintahan noon ay maraming bagay na bawal at labag sa loob ng isa. Isa na nga rito ay ang pagpapalagay ng tatto0.

Sa episode kumakailan lamang sa “Mars Pa More” ay ibinunyag ng TV host na si Iya na naging emosyonal umano siya nang napagdesisyunan ng kanyang asawa na si Drew Arellano ang magpalagay ng tatto0.

Credit: @iyavillania Instagram

Napag-usapan ng kapwa “Mars Pa More” host na si Camille Prats at Iya kasama ang kanilang guests sa nasabing episode na si Epy Quizon at Martin del Rosario na parehong bibida sa inaabangang teleserye na “V0ltes V: Legacy” kung may ilang moments ba na naging kontrabida sila sa totoong buhay.

Ibinahagi ni Iya na naging kontrabida umano siya minsan sa buhay ng asawa nang matindi umano ang kanyang pagtutol nang nagpa-tatto0 ito.

“Ako, Mars, aminado ako na kontrabida ako minsan sa life ni Drew,” pag-amin ni Iya.

Credit: @iyavillania Instagram

“At na-realize ko… siya kasi kunwari, there was a time noong mag-jowa pa lang kami, kontrabida ako sa pagkakaroon niya ng tatto0.”

Ayon kay Iya ay kaya umano siya umalma sa gusto ng asawa kasi mariin siyang naniniwala na ang katawan ng isang tao ay templo ng Panginoon.

“Parang gusto niyang ayusin. I was like, ‘No. Your body is a temple of God. You shouldn’t do that to your body.”

Nang hindi nagpapigil si Drew sa pagkakaroon ng tatto0 ay napaiyak umano si Iya at naging emosyonal.

Credit: @iyavillania Instagram

“Nagpa-tatto0 siya. Iyak ako. ‘You don’t love me. You don’t care about, you know… what I have to say,’” pagre-recall ni Iya.

Hindi rin naging matagal para kay Iya na matanggap ang desisyon ng asawa at kalauna’y na-realize na nainggit lang pala siya.

“Only for me to realize na inggit lang pala ako. Gusto ko rin ng tatto0.”

Nabanggit pa ni Iya kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon niya noong una.

Credit: @iyavillania Instagram

“Parang I think I wanted some sense of control over him, the same sense of control that my mom has and my parents over me,” sabi niya.

Sa huli ay nagbigay siya ng advice sa mga katulad niyang asawa na nakakaranas din katulad sa kanyang naranasan noon.

“Sa mga mars, magpakatotoo. Join them,” advice ni Iya at hindi napigilan ang pagtawa sa pagababalik-tanaw.