Iya Villania, ipinakita ang galing sa pagmamaneho ng kanyang motorbike sa loob ng race track

Day-off muna sa kanilang parenting duties ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano.

Credit: Iya Villania-Arellano InstagramĀ Ā Ā 

Kamakailan lamang ay sumabak sa pagmo-motorbike ang mag-asawa kung saan ay ipinamalas ni Iya ang kanyang motorbike driving skills. Bukod sa pagiging hands-on na nanay, may ibubuga rin ang TV host-actress sa racing track.

Sa kanyang Instagram nitong October 7, ay nag-post ng ilang larawan si Iya kung saan makikita ang puno ng angas at suwabe niyang pagmamaneho sa kanyang motorbike.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Sobrang astig din tingnan ni Iya suot ang kanyang racing suit. Kung titingnan ang mga ibinahaging larawan ng TV host-actress, ay aakalain mo talagang professional motorbike racer ito. Tila hindi mo rin maiisip na kapapanganak pa lang ni Iya sa kanilang ikatlong anak.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Kwento pa ni Iya, nagsilbing day-off daw nilang mag-asawa mula sa pag-aalaga sa kanilang tatlong chikiting ang araw kung kailan sila nag-motorbike.

Sa mga hindi nakakaalam, ay mayroong tatlong anak ang celebrity couple na sina Antonio Primo, Alonzo Leon at ang kanilang unica hija na si Alana na nitong July 18 lamang isinilang ni Iya.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Ani Iya, “Finally made it to the track! šŸ˜† I guess you can say it was mama and papas day off šŸ˜† Thank you for taking me love @drewarellano šŸ˜† and cheers to my coaches @joeystormrivero and @cheestepa šŸ‘ŠšŸ¼”

Dagdag ni Iya, “Ps. Iā€™m pretty sure I slipped off my bike shortly after that 4th pic was taken šŸ¤£”

Samantala, maraming kasamahan ni Iya sa showbiz ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa ipinakitang motorbiking skills ni Iya.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Kabilang sa humanga sa TV host-actress sina Camille Prats, Dingdong Dantes, Chito Miranda, Sarah Lahbati at marami pang iba

Ani Camille na co-host ni Iya sa Kapuso talk show na “Mars Pa More”, “Woooow!!! Marz!!! So astig!!! šŸ™‚”

Napa- “Huwow!!” naman si Dingdong na kilala rin na mahilig sa pagmomotorsiklo.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Pinuri rin ni Chito si Iya. Ani Chito, “Angaaas, classmate!!!”

Komento ni Sarah, “Duuuuuudeee”

Pinabilib din ni Iya ang netizens dahil sa kanyang pagiging cool mom. Komento ng netizens:

“Coolest mom!! Ingat always ate iya and fam”

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

“Thats our Momma”

“Amazing mama!!!”

“Coool! Ang astig”

“Si Iya lang ang malakas!”

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Matatandaang noong 2017 ay sumabak si Iya sa kanyang unang motorcycle ride sa loob ng race track.