Ang pagiging ina ay ang pinakamahirap ngunit pinaka kasiya-siyang trabaho na maaaring gampanan ng isang babae.Kamangha-mangha ngang isipin kung paano nagagawa ng mga ina ang kanilang trabaho habang tinutupad din ang kanilang mga responsibilidad bilang isang ina sa kanilang mga anak.

Isa nga sa mga hinahangaan ngayon ng lahat, lalo na ng mga kapwa niya ina, ay si Kapuso host Iya Villania matapos nitong ibahagi ang ginagawa niyang pagmu-multitask sa social media.

Kahit kasi nasa gitna ng kanyang pagre-report sa showbiz segment ng 24 Oras na Chika Minute ay pinapad3de pa rin ni Iya ang kanyang bunsong anak na si Alana Lauren.

Ginulat ni Iya ang lahat nang ibahagi nito sa kanyang Instagram story ang behind the scenes ng kanyang live report.

Makikita sa Instagram story ni Iya na hindi nito alintana na naka-live broadcast siya at pinapad3de pa rin ang nagugutom na anak. Walang mag-aakala na sa likod ng camera ay may pinapad3deng sanggol si Iya.

Caption ni Iya sa IG story, “One of the perks of working from home.”
Nagbiro pa ang host at sinabing, “You’d never even guess there’s a baby feeding.” Kung may higit man nanakakaalam sa dedikasyon ni Iya para mabigyan ng masustansyang gatas si Alana Lauren ito ay ang kanyang asawa na si Drew Arellano.

Saksi si Drew kung gaano kasipag at ka-dedicated si Iya bilang ina at asawa.
Sa katunayan, pinuri ni Drew si Iya dahil sa dedikasyon nito sa pagbe-breastfeed sa kanilang mga anak.Sa Instagram ay ibinahagi ni Drew ang isang letrato ni Iya na nakatutok sa laptop habang karga at pinapad3de si Alana Lauren.

Proud na sinabi ni Drew sa caption ng Instagram post, “Now that’s D3DE-cation.”

Samantala, dalawang buwang gulang na ang kanyang bunsong anak na si Alana Lauren. Ipinanganak ni Iya si Alana Lauren noong July 18.Bukod kay Alana Lauren ay may dalawa pang anak si Iya. Ang kanyang panganay na si Antonio Primo ay ipinanganak noong 2016. Taong 2018 naman nang isilang ni Iya ang pangalawang anak na si Alonzo Leon.