Kaway-kaway sa ikatlong baby boy sa pamilyang Villania-Arellano dahil nito lamang, isinilang na ni Iya Villania ang bagong miyembro sa kanilang pamilya.
Credit: @iyavillania Instagram
Isa lamang si Iya Villania at Drew Arellano sa mga sinusubaybayang couple sa mundo ng showbiz dahil sa kanilang masaya at magandang pamilya. Dahil parehong nasa showbiz, ito ang naging tulay nila upang magkatagpo hanggang tuluyan nga na nahulog ang kanilang loob sa isa’t-isa. Matapos ang mahigit 8 taon simula nang ikasal, kasalukuyang may tatlong anak na ang couple na sina Primo, Leon, Alana, at ang ipinagbubuntis ni Iya na siyang bagong miyembro ng kanilang pamilya.
Matatandaan nito lamang buwan ng January nang masayang inanunsyo ni Iya sa publiko na ipinagbubuntis niya ang ikaapat na anak nila ni Drew at ang ikatlong baby boy sa kanilang pamilya.
“I’ve been really lucky to have it easy again so at least, nakakapag-work ako. I’m sure ‘yung iba diyan hindi siguro namalayan na buntis ako,” pahayag ng “Mars Pa More” host.
Credit: @iyavillania Instagram
“So we are expecting and parating na siya… coming soon in June.”
Tunay nga sa sinabi ni Iya, buwan ng Hunyo nga niya isinilang ang ikatlong baby boy nila ng asawang si Drew. Sa update ng host sa kanyang Instagram stories, nagbigay siya ng hint sa fans at followers kung saan ay mababasa sa kanyang caption ang “Could it be todaaaay?” kalakip ng isang selfie.
Makaraan ang ilang oras matapos ang nasabing story sa Instagram, muli siyang nagbahagi ng boomerang video kung saan ay makikita siyang nakasuot ng hospital gown at sumasayaw habang nakakapit sa isang IV stand.
Credit: @iyavillania Instagram
“Let’s induce this labor, ladies and gentlemen,” sulat niya sa caption.
Kahit na’y malaki na ang tiyan at paniguradong nararamdaman na nang unti-unti ang s@kit, hindi naman ito mahahalata dahil sa nakakatawang performance na ibinida ni Iya habang nasa hospital.
Talagang masasabi na sobra na siyang excited ma-meet ang ikaapat na anak dahil advance na siyang napapasayaw sa tuwa.
Credit: @drewarellano Instagram
Ilang oras matapos ibahagi ang kanyang pagsayaw-sayaw, muling nag-share ng update si Iya kung saan ay ibinalita niyang matagumpay niyang isinilang ang isang healthy na baby boy.
“Done! Baby out!!!”