Iya Villania, napabilib ang netizens sa kanyang dance moves na parang hindi kakapanganak lamang

Isa na namang nakakabilib na performance ang hatid ng powerful Mommy na si Iya Villania dahil muli na naman niya tayong sinurpresa sa kanyang moves at paghataw kahit na’y ilang araw pa lamang matapos dumaan ng labor.

Credit: @iyavillania Instagram

Sensitive at dapat careful talaga sa bawat galaw ang mga preggy na Mommy upang safe ang maging delivery ng kanilang baby ngunit kahit na’y nasa huling buwan na ng kanyang pagbubuntis, matatandaang nagawa pa rin ni Iya Villania na humataw at makipag-duet ng sayaw sa couple na si Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa Tiktok.

Kumakailan lamang, na-meet na ni Iya at ng kanyang asawa na si Drew Arellano ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Astro Phoenix ngunit imbes na magpahinga at mag-focus sa kanyang recovery, pinatunayang muli ng “Mars Pa More” host na talagang kakaiba siya sa ibang Momshie dahil ilang araw matapos ipanganak ang bunsong anak, nagawa na niyang gumalaw-galaw at makipagsabayan sa trend at sayaw sa Tiktok!

@petrashley Nagawa din namin finally 🤣 sayang nadelete ko yung pagdating ni mars @iyavillania29 huhuhu @camilleprats ♬ The Way I Are Showmusik Dance Mix – Showmusik Sounds

Nito lamang, nag-upload ng bagong video sa Tiktok si Ashley Rivera kung saan ay makikitang kasama niya ang dalawang “Mars Pa More” hosts na sina Camille Prats at Iya Villania. Kung hataw na hataw si Ashley at Camille, doble naman ang intensity sa bawat galaw ni Momshie Iya na tila ba’y hindi man lang dumaan sa panganganak ilang araw ang nakakaraan.

Sa performance na ito ni Iya, hindi mapigilan ng netizens na maaliw at makaramdam ng paghanga dahil bibihira umano para sa mga katulad niyang Momshie na madali lamang nakaka-recover at nakakabalik sa normal na galawan ilang araw matapos manganak.

Sa comment section, may isang netizen na nagtanong kung draft ba ang Tiktok video na ito na sinagot naman ni Ashley Rivera ng, “Kanina lang to 😅😂”

“grabe parang di nag buntis si Lodi iya.”

“natakot ako kay miss iya baka mabinat grabee rin talaga ang pawerrs eh 😳”

“grabe ang galing ni iya, akala mo hindi nanganak🥰”

“Iyaaaa? di ka ba nanganak mars? 😍”

Dahil sa performance na ito ni Iya sa isang Tiktok dance kasama si Camille Prats at Ashley Rivera, lubos hindi makapaniwala ang karamihan na nagagawa na niyang makagalaw ng matindi na para ba’y hindi man lang dumaan sa panganganak ilang araw ang nakakalipas.