Iya Villania, umani ng maraming papuri matapos ibahagi ang larawan ng kanyang wedding ring na hindi na magkasya sa kanyang daliri

Maraming tungkulin na ginagampanan ang mga kababaihan sa lipunan. At sa bawat pagsisikap at pagpupursige nila sa pagtatrabaho ay inspirasyon nila ang kanilang pamilya.

Credit: @iyavillania Instagram

Kabilang naman si Iya Villania sa mga itinuturing ngayon na “wonder mom” at hinahangaan dahil sa kanyang mga sakripisyo para sa kanyang pamilya.

Isang TV host, isang mabuting asawa at hands-on na ina sa tatlong anak nila ni Drew Arellano. Ilan lamang ito sa maraming mga papel na ginagampanan ni Iya bilang isang babae.

Credit: @iyavillania Instagram

Muli namang nakuha ni Iya ang respeto at papuri ng maraming netizens at kapwa niya ina matapos niyang i-post ang isang larawan ng kanyang kamay suot ang kanyang wedding ring na maliit na para sa kanyang daliri.

Iilan din ang nag-akalang kamay ng kanyang mister na si Drew ang makikita sa larawan ngunit ayon kay Iya, kamay niya ito.

“Yes, those are my hands… not Drew’s,” ani Iya. 🤣

Kapansin-pansin sa larawan na hindi isang tipikal na kamay ng isang babae ang kamay ni Iya ngunit napakaganda pa rin nitong tingnan dahil produkto at tanda ito ng kanyang pagsisikap bilang isang asawa at ina.

Credit: @iyavillania Instagram

At dahil hindi na magkasya sa kanyang daliri ang wedding ring, sinabi ni Iya na itatago na lamang niya ito hanggang sa dumating ang oras na maipapasa niya ito sa isa sa kanyang tatlong anak.

“Umm… 😅 I’m not one who wears jewellery, not even my wedding or engagement ring 🙈 so when I tried my ring on again… eto tuloy 🙈 looks like the next time I’ll see this ring is when I pass it on to one of my kids,” sulat ni Iya sa caption ng kanyang Instagram post.

At tila hindi lamang si Iya ang nakakaranas ng parehong bagay dahil maraming netizens na isa ring ina tulad niya ang nagbahagi ng parehong karanasan.

Credit: @iyavillania Instagram

Dahil dito, nagsilbing inspirasyon si Iya sa maraming kababaihan. Mas lalo ring na-inspire ang mga kapwa “wonder mom” ni Iya na maging “proud” sa kanilang mga magagandang kamay na nagbago na sa paglipas ng panahon dahil sa kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya.

Narito ang ilang komento ng netizens na naka-relate sa sitwasyon ni Iya:

“I got so conscious of my hands cos my wedding hands looked “better” but thanks to this post i feel more and more empowered (strong, hardworking) mom hands for life!!”

Credit: @iyavillania Instagram

“mark of a working mom’s hands..i can relate my co workers think i have a man’s hands #proudofit”

“I thought it’s Drews hands no offense. It only shows hands on mom and wifey ka talaga. Salute and idol wala kiyeme.”

Si Iya ay ikinasal kay Drew noong 2014 at sa kasalukuyan, mayroon silang tatlong anak na sina Antonio Primo, Alonzo Leon at Alana Lauren.