Iza Calzado at Ben Wintle, nagdiwang ng kanilang ikatlong wedding anniversary

Hindi lamang araw ng pasko ang tanging inaabangan ng karamihan sa atin sa tuwing sumasapit ang buwan ng Disyembre dahil bago magtapos ang taon, isa itong paalala para sa mag-asawang Iza Calzado at Ben Wintle sa isa sa pinakamasayang araw sa kanilang buhay bilang couple.

Credit: @missizacalzado Instagram

Isa si Iza Calzado sa mga kinikilalang aktres noon pa man hanggang ngayon. Maliban sa kanyang kahusayan sa pag-arte na patuloy niyang napapatunayan sa tuwing may eksena sa pinagbibidahan o hindi kaya’y kinabibilangang teleserye o pelikula, kilala rin siya ng kapwa celebrities at fans bilang isang mabuting tao na walang ibang hatid kung hindi ay purong kasiyahan. Kaya naman talagang deserve niya ang makahanap ng pansariling happiness matapos ang ilang taong pagbibigay-saya.

Disyembre noong taong 2018 nang pinakasalan ni Iza si Ben Wintle at simula noon, may espesyal nang parte sa puso ng couple ang buwan ng Disyembre bilang reminder sa kanilang pag-iisang dibdib.

Credit: @missizacalzado Instagram

Sa pagsapit ng kanilang ikatatlong taon bilang mag-asawa, hindi pinalagpas ng aktres ang pagkakataon at ibinuhos sa social media ang labis na kasiyahang nararamdaman.

“Three. Thank you for choosing me everyday even when I make it difficult for you to do so,” saad ni Iza sa unang bahagi ng kanyang mensahe kalakip ng isang larawan nila ni Ben na kuha sa ginanap nilang kasal sa Palawan.

Ayon sa aktres, kinakailangan umano na higit pa sa isang ordinaryong lalaki ang makakaintindi sa babaeng katulad niya at dahil dito, labis ang pasasalamat ni Iza sa asawa sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya.

“It takes a special and a whole lot of man to be with a woman like me and I am grateful for your strength, understanding, love, and patience,” sabi ni Iza.

Credit: @missizacalzado Instagram

Dagdag pa niya, “You inspire me to be better.”

Of course, tinapos ni Iza ang kanyang mensahe ng isang sweet na “I love you, @benwintle Thank you for being a great partner in life. 🤍” dahilan kung bakit hindi naiwasan ng kanyang fans na kiligin.

Samantala, hindi rin nagpahuli si Ben dahil may sweet din siyang mensahe kalakip ng ibinahagi niyang larawan ni Iza sa kanyang Instagram account.

Credit: @missizacalzado Instagram

“You remind me everyday that life’s greatest gift is love. What a year,” sulat ni Ben sa kanyang caption.

Kung karamihan sa couples kapag ipinagdiriwang ang kanilang anniversary ay magkaroon ng intimate na dinner o hindi kaya’y magbakasyon sa ibang bansa, panonood naman ng kanilang “wedding video” ang palaging ginagawa ni Iza at Ben sa tuwing sumasapit ang ika-19 ng December.