Iza Calzado, happily pregnant na sa edad na 40!

Ano nga ba ang batayan para maisakatuparan ang ating mga pangarap sa buhay?

Credit: @missizacalzado Instagram

Marahil ay marami ang naniniwalang kailangan nasa tama tayong edad o hindi kaya’y kailangan pa nating maghanda ngunit sa katunayan, may sarili palang perpektong timing ang Panginoon kung saan ay tiyak talaga nating masasabi sa sarili na “worth it” ang ating paghihintay.

Sa dalawang dekada na pamamalagi ni Iza Calzado sa industriya ng showbiz, talagang matagumpay siyang nakabuo ng sarili niyang pangalan at reputasyon na paniguradong hindi malilimutan ng karamihan dahil sa kanyang remarkable na pagbida sa napakaraming pelikula at ang iconic niyang pagganap at pagbibigay-buhay sa mga karakter na minsan nang tumatak sa puso ng kanyang fans.

Credit: @missizacalzado Instagram

Bagama’t patuloy man na dumadami ngayon ang pag-usbong ng bagong mga artista na dahan-dahang umaangat sa kasikatan, wala pa rin talaga ang makakapalit sa nag-iisang Iza Calzado!

Ilang ulit na nating natunghayan si Iza na gumaganap ng roles bilang isang ina, inamin naman niyang nagsisilbi lamang niya itong pangarap noon sa totoong buhay dahil sa tagal na nilang kasal ay matagal bago sila nabiyayaan ng kanyang asawa na si Ben Wintle ng anak.

Bagama’t ganoon man sa loob ng mahigit tatlong taon nilang marriage, patuloy pa rin naman na nananalig ang couple na magkakaroon din sila ng chikiting sa tamang panahon at tila’y ang perfect na timing na labis nilang pinakahinihintay ay ang pagtungtong ni Iza sa kanyang ika-40 na birthday!

Credit: @missizacalzado Instagram

Dahil sa triple niyang celebration dahil nagsilbi rin itong marka sa kanyang ikalawang dekada sa showbiz at ang magandang balita na magiging Mommy na siya, ibinahagi ni Iza sa Instagram ang nag-uumapaw niyang kasiyahan dahil sa wakas, natupad na rin ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng baby.

Ayon kay Iza, nakabuo na umano siya ng malalaking mga plano sa kanyang career bilang isang aktres nang nalaman niyang buntis pala siya sa una nilang anak ng asawa. Kahit na’y unexpected man ang pagdating ng magiging baby nila ni Ben, kaagad naman niyang na-realize na ito ang plano ng Panginoon sa una pa lamang.

“Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan,” pahayag ng soon-to-be-Momshie na si Iza kalakip ng ibinahagi niyang larawan kung saan ay makikitang nakahawak siya sa kanyang baby bump.

Kahit na’y umabot man ng maraming taon bago tuluyang naisakatuparan ang pangarap niyang maging isang ganap na Mommy, hindi naman kailanman inisip ni Iza na “late” itong ibinigay ng Panginoon sa kanila ng asawa dahil para sa kanya, perkekto umano ang timing ng kanilang baby.