Kilala ng lahat si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck sa totoong buhay bilang isang mahusay na aktres.
Credit: @jaclynjose Instagram
Bukod sa kanyang galing sa pag-arte, isa ring mapagmahal na ina si Jaclyn sa kanyang dalawang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guck.
Sa ngayon ay mayroon nang sariling pamilya si Andi at isa na rin siyang ina sa kanyang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.
Credit: @jaclynjose Instagram
Marami naman ang humahanga sa mahusay na pagpapalaki ni Andi sa kanyang mga anak at sa pagpili niya ng simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya kaysa sa maningning na mundo ng showbiz.
Ngunit hindi lamang mga netizen ang humahanga kay Andi dahil maging ang kanyang ina na si Jaclyn ay labis din siyang hinahangaan sa mga desisyon niya sa kanyang buhay at sa paraan niya ng pagpapalaki sa kanyang mga anak.
Credit: @jaclynjose Instagram
Umantig sa puso ng maraming netizens ang naging post ni Jaclyn sa kanyang Instagram kung saan ay inihayag niya ang kanyang paghanga kay Andi.
Kalakip ng litrato nila ni Andi noong ito ay sanggol pa lamang ay ang kanyang nakakaantig na mensahe para rito.
Sinabi ni Jaclyn na hinahangaan niya si Andi sa pagiging matapang nito. Humingi rin siya ng pasensya kay Andi dahil sa kanyang mga pagkukulang bilang ina nito.
Credit: @jaclynjose Instagram
Ani Jaclyn, “Anak hinahangaan kita sa kung (anong) meron ka (sa) buhay ngayon..[napakatapang] mo sana ako din..ang ganda ng [pag-papalaki] mo sa mga bata sorry sa lahat ng pagkukulang ko.”
Dagdag ni Jaclyn, “Anak mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo..mag ingat palagi.”
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na sumulat ng taos-pusong mensahe si Jaclyn para kay Andi.
Matatandaang noong nakaraang January, nagsulat din si Jaclyn ng isang mensahe para kay Andi upang batiin ito sa kanyang engagement kay surfing champion Philmar Alipayo.
Credit: @andieigengirl Instagram
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Jaclyn na nagpapasalamat siya na magkaroon ng isang anak na katulad ni Andi “who can make [her] bow in all her decision in life’.
Sa parehong post, inihayag din ni Jaclyn ang kanyang paghanga at pag-apruba kay Philmar bilang mapapangasawa ni Andi.
Aniya, “And then she said yes, and swam away..i so love the nuances..the photo .it says a million why i like like this guy..be merry and healthy i will always have your back…madami ako natutunan sayo and i am thankful to have daughter who can make me bow in all her decision in life…”
Credit: @andieigengirl Instagram
Si Jaclyn ay isang award-winning actress. Noong 2016 nasungkit ni Jaclyn ang Best Actress award sa Cannes Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Ma’Rosa”.
Matapos manalo ay kinilala si Jaclyn bilang kauna-unahang Asian actress na nanalo ng “Best Actress” sa Cannes Film Festival.