Jak Roberto, napagbigyan na ang matagal nang hiling sa kanya ni Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl

Talagang walang imposible sa taong may pangarap. Muli itong pinatunayan ni Herlene Budol o mas kilala ng karamihan bilang si “Hipon Girl” nang sa wakas ay natupad ang isa sa kanyang mga pangarap.

Credit: @herlene_budol Instagram

Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz, marami nang napapangiti at napapatawa ang komedyante at TV Host na si Hipon Girl. Maliban sa kanyang talento sa pagbibigay-saya sa netizens, hindi rin lingid sa kaalaman ng karamihan ang kabutihan ng kanyang puso. Sa kabila ng kasikatang tinatamasa ngayon, hindi pa rin nakakalimutan ni Herlene na magpasalamat sa lahat ng taong nasa likod ng kanyang tagumpay.

Credit: @jakroberto Instagram

Kung noo’y isa lamang ordinaryong babae na may crush sa Kapuso actor na si Jak Roberto, ngayon ay abot-langit na ang kasiyahan ni Hipon Girl nang makaraan ang apat na taon, tinupad na rin ng aktor ang dati pa niyang pangarap.

Lunes, August 23 ngayong taon nang ipinagdiwang ni Hipon Girl ang kanyang ika-22 na kaarawan.

Credit: Herlene Hipon Budol Facebook

Ayon sa dalaga, crush umano niya dati si Jak Roberto at noong 2017 pa siya nagme-message sa aktor at umaasang makakatanggap ng “birthday greeting”.

Sa loob ng apat na taong pagpapapansin, nagbunga na rin ang lahat!

Credit: Herlene Hipon Budol Facebook

Noong nakaraang buwan ay ibinahagi ni Hipon Girl sa Facebook ang larawan nila ni Jak Roberto, video ng “birthday greeting” ng aktor para sa komedyana kalakip ng screenshots ng kanilang conversation.

“Alam nyoba na si Jak Roberto ang crush ko dati haha wala share ko Lang kaya ate Barbie peram muna haha,” pag-amin ni Herlene.

Credit: Herlene Hipon Budol Facebook

“Herlene! Finally, nabati na rin kita after… ilang years ba iyon? 4 years ago nagpapabati sa akin si ano, si Budol sa debut niya so, ngayon ko lang siya nabati. Sorry, sorry. Happy happy birthday sa’yo!” saad ni Jak sa video.

Hinikayat din ni Hipon Girl ang lahat na huwag mawalan ng pag-asa dahil dadating din ang panahon na matutupad talaga ang ating pangarap.

“KAYA IKAW WAG KA MAWALAN NG PAG AASA NANINIWALA NAKO SA PM IS THE KEY HAHA 🔑,” ayon kay Herlene.

Patok din sa netizens ang Tiktok video nila na ibinahagi ni Herlene sa parehong post kung saan ay mapapanood ang pagsayaw nila sa kantang “Let’s Groove”.

Maliban sa natanggap niyang “birthday greeting” kay Jak, magkasama ngayon ang dalawa sa teleseryeng “Stories from the Heart: Never Say Goodbye” at inaabangan din ang kanilang pagsasama sa “Dear Uge ASYMTOPANGIT”.

Halos wala naman nang isasaya pa si Hipon Girl sa katotohanang crush lamang niya dati ang aktor pero ngayon, ka-eksena na niya!