Jake Ejercito at anak nito na si Ellie, masayang nagbonding habang nagsu-scuba diving!

Sino ba ang makakatalo sa bonding ng mag-amang Jake Ejercito at Ellie Eigenmann? Halos lahat lang naman ng bagay ay magkakasama nilang ginagawa kaya talagang inaabangan ng karamihan ang bawat bakasyon moments ng dalawa.

Credit: @unoemilio Instagram

Isa si Jake Ejercito at Andi Eigenmann sa mga modernong parents ngayon sa mundo ng showbiz at kahit na’y kakaiba man ang kanilang set-up at sobrang layo pa nila sa isa’t-isa, hindi naman naaapektuhan ang kanilang unica hija na si Ellie. Sa katunayan, game na game pa nga ito sa palipat-lipat niya sa Manila at Siargao kung saan namamalagi ngayon ang kanyang Mommy Andi kasama ang fiancé nito na si Philmar Alipayo at mga anak nila na sina Lilo at Koa.

Kapag nasa isla ng Siargao, exposed si Ellie sa iba’t-ibang activities at kapag nasa siyudad ng Manila naman, travel at bakasyon naman ang pinagkakaabalahan nila ng kanyang Daddy Jake. Dahil sa experience ni Ellie sa pagda-dive at pagswi-swimming, hindi na kailangan pa ng kanyang ama na maghanap ng kasama sa pinakaunang pagsubok niya sa scuba diving dahil nahanap na niya ang perfect na buddy sa anak.

Kamakailan lamang nang ibinahagi ni Jake sa kanyang Instagram account ang mga larawang kuha sa kanilang bakasyon kung saan ay sumubok nga siya sa pagda-dive sa pinakaunang pagkakataon kasama ang kanyang anak na si Ellie na parang eksperto sa ginagawa. Imbes na mahirapan lalo na’t first time niya itong ginawa, sobrang nag-enjoy si Jake dahil sa kaaliwang naramdaman nila ng anak sa panonood ng clown fish.

Credit: @unoemilio Instagram

Paglalarawan pa ng aktor sa unang experience niya sa diving, “awesome” umano ito lalo na’t kasama niya ang anak at hindi na makapaghintay na sumubok pang muli.

“Wish we had a better underwater cam, but it was awesome to be with Ellie on my first ever dive. Looking forward to the next one already 🤿,” sulat ni Jake sa kanyang caption.

Credit: @unoemilio Instagram

Maliban sa pagda-dive, nanood din ng sunset ang mag-ama kung saan ay kinagiliwan ng netizens ang mga larawan ni Ellie kung saan ay may iba’t-iba siyang mood at reaction. Hindi rin naiwasan ng netizens na mapansin ang kagandahan ni Ellie na namana naman niya sa kanyang parents na parehong good-looking.

Credit: @unoemilio Instagram

Of course, maliban sa kanilang palitan ng messages na sobrang kinaaliwan ng netizens, bet na bet rin ng kanilang fans ang relationship ni Jake at Ellie bilang mag-ama.

“Grabe! Ellie is a whole mood!”

“Cuteeeee nyo 💖”

Credit: @unoemilio Instagram

“Nakakatuwa..nakaka inspire ang mag amang ito😍😍”