Sa tuwing nagbabakasyon si Ellie sa Manila kasama ang kanyang Daddy Jake Ejercito , ay tila labis nilang sinusulit ang pagkakataong magkasama at maka-bonding ang isa’t-isa.
Credit: @unoemilio Instagram
Sa mga larawan na ibinabahagi ni Jake sa social media, kapansin-pansin ang closeness ng mag-ama na lubos na hinahangaan ng mga netizen.
Makikita rin ang suporta ng aktor sa mga nais at hilig gawin ng kanyang anak. Patunay dito ang larawang ibinahagi ni Jake sa kanyang Instagram at Facebook page kung saan makikita ang kanilang cute wacky photos ni Ellie na magkasama sa isang zoom meeting screen.
“We’ve just added “zoomb0mbing” to her favourite things to do list,” caption sa nasabing post.
Credit: @unoemilio Instagram
Maraming netizen ang natuwa at nagbigay ng kanilang komento sa mga litratong ito nina Jake at Ellie.
“Hala ang cute. hawig na rin kayong dalawa.”
“So nice bonding of father and daughter. keep it up..”
“So much love for the both of you.” Ilan sa mga komento ng mga netizen.
Credit: @unoemilio Instagram
Ang ganitong simpleng bonding ay labis na ine-enjoy ng mag-ama. Isang edited video pa ang ibinahagi ni Jake kung saan makikita na siya ay nakaupo sa isang swivel chair at pag-ikot nito ay bigla siyang naging si Ellie.
Mas lalong napansin ng mga netizen ang malaking pagkakahawig ng dalawa. Komento ng mga netizen:
“Super cute. Look a like talaga.”
Credit: @unoemilio Instagram
“Sobrang nakaka-good vibes ang tandem n’yong mag-ama. Love this bigtime.”
Maliban sa kanilang wacky pictures, ay makikita rin ang masayang bonding ni Ellie kasama ang kanyang pinsan, na anak ng kanyang Tita Jerika na kapatid ni Jake.
Credit: @unoemilio Instagram
Ginaya ng mag pinsan ang old photo look nina Jerika at Jake na kuha pa noong taong 2014, at kanilang ginawan ng bagong bersyon na talaga namang napakacute tignan.
Ngayon na may panibagong proyekto ang dumating kay Jake bilang bahagi ng teleseryeng “Marry Me, Marry You,”, kanya ring sinabi na labis niyang susuportahan ang anak na si Ellie kung nais rin nitong sumabak sa showbiz.
Credit: @unoemilio Instagram
Subalit sa kasalukuyan, kailangan munang bumalik ni Ellie sa kanyang Island life kapiling naman ang kanyang inang si Andi Eigenmann at mga kapatid na sina Lilo at Koa.