Jake Ejercito, ibinahagi kung paano sila mag-usap ng anak na si Ellie tuwing magkalayo sa isa’t isa

Importante ang pagkakaroon ng matibay at magandang relasyon sa mga anak. Sa sitwasyon ng mag-amang sina Jake Ejercito at Ellie Eigenmann, hindi naman maitatanggi na sobrang close nila sa isa’t-isa at kumakailan lamang nang muli nila itong pinatunayan sa netizens.

Credit: @unoemilio Instagram

Matagal naman na hiwalay sa Mommy ni Ellie na si Andi Eigenmann, nananatili pa rin ang kanilang magandang relasyon. Ayon sa mga updates ni Andi at Jake sa kani-kanilang social media, makikita naman kung paano lumaki bilang isang masiyahin na bata si Ellie.

Biyernes, September 24 nagbahagi si Jake ng larawan sa Instagram kung saan ay makikitang mahigpit silang magkayakap ni Ellie sa airport bago ito bumalik sa Siargao.

“never not tough 😪,” sulat ni Jake sa kanyang caption.

Credit: @unoemilio Instagram

Hindi madali para sa isang magulang ang mawalay sa anak pero kahit na’y malayo sa isa’t-isa ay nananatili pa rin naman ang kanilang komunikasyon. Patuloy pa rin sa pagbibigay ng update si Ellie sa kanyang ama kung saan ang kanilang usapan ay madalas na nauuwi sa katatawanan.

Sabado, October 2 nang nagbahagi si Jake ng larawan ni Ellie kasama ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz kalakip ng screenshot ng convo nila ng anak.

Credit: @unoemilio Instagram

“Me, mommy and Philmar will see Hidiylin Diaz tomorrow,” paalam ni Ellie sa kanyang Daddy Jake kung saan ay awtomatiko itong napasabi ng “That’s soooo cool!!!!”

Natawa naman ang netizens sa naging sagot ni Ellie na “I don’t know” nang tinanong ng kanyang Daddy Jake ang dahilan kung bakit nila kikitain si Hidilyn Diaz. Nang muling tinanong kung bakit hindi alam ng anak ang dahilan, isang “I don’t know” muli ang naging sagot nito.

Credit: @unoemilio Instagram

Mula pa man noon, napansin na ni Jake ang pagkakatulad nila ni Ellie at kahit na’y matagal na itong alam, hindi pa rin umano siya nasasanay sa katotohanang ito.

“Sometimes I’m shocked by how much she’s like me,” ayon kay Jake.

Credit: @unoemilio Instagram

At dahil imi-meet ng anak ang nag-iisang gold medalist ng bansa, excited na hiningi ni Jake ang autograph ni Hidilyn sa anak. Makaraan ang mahigit dalawang oras, nag-reply muli si Ellie sa chat ng ama kung saan ay ibinahagi niya kay Jake ang larawan niya kasama si Hidilyn Diaz.

“Did you get my autograph?” tanong ni Jake kung saan ay isang diretsahang “No” lamang ang sagot ni Ellie.

Credit: @unoemilio Instagram

Dahil sa nakakagiliw na kumbersasyon ng mag-ama, naging mahirap para sa netizens ang maka-move on. Hindi rin maitatanggi na sa tuwing nagkakasama sina Jake at Ellie, purong good vibes lamang ang hatid nila na siyang nagbibigay ng katatawanan sa netizens.