Jake Ejercito, nagpost ng magkahiwalay na letrato kung saan kasama niya si Andi Eigenmann at anak na si Ellie

Hindi talaga maipagkakaila na mas vocal at madalas na nagpapakita ng affection ang mga ina sa kanilang mga anak kumpara sa mga Daddy ngunit ibahin niyo ang isang Jake Ejercito dahil talagang na-master na niya ang “duality” ng kanyang personalidad bilang isang magulang dahil kayang-kaya rin niya maging sweet at strict.

Credit: @unoemilio Instagram

Bagama’t matagal namang hiwalay si Andi Eigenmann at Jake Ejercito, maayos naman nilang nagagampanan ang roles at responsibilities nila bilang mga magulang sa kanilang anak na si Ellie.

Nakatira man nang malayo sa isa’t-isa, sobra namang flexible ng kanilang “co-parenting” na set-up dahil may mga pagkakataon na si Ellie mismo ang pumupunta sa Manila o Siargao kung saan nakatira ngayon ang kanyang Mommy Andi, fiance at ang kanyang mga nakababatang kapatid na sina Lilo at Koa. May instances din na si Jake o Andi mismo ang bumibisita.

Kapag nasa isla ng Siargao kasama ang kanyang Mommy Andi, exposed naman si Ellie sa iba’t-ibang activities katulad na lamang ng pagsu-surfing, swimming, skating at marami pang iba. Kapag nasa Manila naman kasama ang kanyang Daddy Jake, “city life” naman ang naghihintay kay Ellie.

Hindi katulad ng iba, talagang ipinapakita ng aktor ang kanyang pagmamahal at affection sa anak. Sa katunayan, palagi siyang may update sa social media tungkol sa outing at bawat bonding moment nila ng kanyang unica hija dahilan kung bakit patuloy na sinusubaybayan ng fans ang relationship ng mag-ama.

Kung noon ay napapatawa na nila ang fans sa kanilang #JEllie moments at convos, ngayon naman ay pinakilig nilang muli ang karamihan dahil sa entry ni Jake sa trend na “Night Changes”.

Credit: @unoemilio Instagram

Sa Twitter, ibinahagi ni Jake ang throwback na larawan ni Andi ‘nung nagkaroon sila ng date at katabi naman nito ay ang larawan ni Ellie sa parehong angle at position.

Sa caption ng aktor, mababasa ang mismong lyrics ng kanta na, “Does it ever drive you crazy, just how fast the night changes.”

Hindi naman mapakali sa kilig ang netizens at nagpahayag ng kanilang saloobin sa comment section. Maliban dito, pinuri rin si Andi at Jake dahil kahit na’y matagal nang hiwalay, nananatili pa rin umano ang kanilang respeto sa isa’t-isa.