Billy Crawford sinubukang i-pr@nk si James Reid para mangutang ng pera; James, kamuntikan nang magpautang ng 5 milyong piso

Trending ngayon sa social media ang pr@nk call na isinagawa ni TV host Billy Crawford sa kanyang kaibigan na si James Reid.

Credit: Lunch Out Loud YouTube    

Nitong Huwebes, November 4, sa noontime show ng TV5 na “Lunch Out Loud” ay ginood time ni Billy si James.

Sinubukang utangan ng TV host ng 5 milyong piso si James. Bilang mabuting kaibigan, ay kamuntikang nang pautangin ni James si Billy.

Credit: Lunch Out Loud YouTube

Ginawang alibi ni Billy na maririmata na ang kanyang bahay dahil sa kakulangan ng perang pambayad.
Sinabi ni Billy sa kaibigan na mahigit anim na buwan na umano siyang walang kinikita dahil sa epekto ng p@ndemya.

Saad ni Billy, “You know since the whole p@ndemic thing started we’re all trying to move on and do our thing. But the problem is, for the longest time, about six, seven months, I haven’t made any money. I am about to lose my house.”

Credit: James Reid Instagram

Dagdag ni Billy, “I’m given a few months to actually pay for it off. I need you, bro. Are you good if I can like borrow, let’s say in advance of 5 million?”

Ipinaliwanag naman ni James kay Billy na sa ngayon daw ay nasa Australia ang karamihan ng kanyang pera.

Naging totoo si James kay Billy at sinabi pa sa kaibigan kung magkano nalang ang natitirang pera niya sa kanyang bank account.

Credit: Lunch Out Loud YouTube

Gayunpaman, sinserong sinabi ni James na willing umano siyang tulungan si Billy.

Hindi naman nagpaawat si Billy at nakipag-negosasyon pa sa kaibigan. Sa pagkakataong ito, binabaan ni Billy ang halaga ng perang kanyang uutangin.

Umaarteng saad ni Billy, “Would you be able to do like really quickly like within maybe less than a week like 2.5 [or] 3 million at least? Or, whatever you can. Even 500 thousand or 150 [thousand] it doesn’t matter. I’m really desperate right now, bro.”

Credit: James Reid Instagram

Pumayag pa si James na ipahiram kay Billy ang isa niyang kotse nang sabihin ni Billy na nabenta na rin niya ang kanyang kotse pati ang kanyang bike.

Tinodo na ni Billy ang kanyang pang-go-good time kay James at tinanong ito kung pwede rin bang ibenta muna niya ang sasakyan nito.

Tanong ni Billy, “You think I can take your car, and then I can probably sell it?”

Sa huli ay saad ni James, “Okay, let me transfer you how much I have in my bank right now.”

Credit: James Reid Instagram

Napuno naman ng tawanan ang studio ng show nang sabihin na ni Billy kay James na pina-pr@nk lamang siya nito.

Kahit na na-pr@nk na ay hindi naman nag@lit si James sa kaibigan. Bagkus ay sinabi nitong, “Yow, Billy. Oh my god. That’s how much I love you, bro.”

Biro pa ni James, “Bro, I’m gonna k*ll you when I see you.”