Bukod sa pagiging magaling na artista, alam n’yo bang may talent din sa pagkanta ang Prima Donnas star na si Wendell Ramos?
Credit: @wendellramosofficial Instagram
Kilala ng marami si Wendell sa showbiz bilang isang mahusay na aktor. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, may ipagmamalaki rin si Wendell pagdating sa pagkanta at pagtugtog ng instrumento.
Kamakailan lamang, hinangaan ng mga netizen si Wendell at ang kanyang 14-anyos na unica hija na si Tanya Isabel matapos nilang ipamalas ang kanilang talento sa pagkanta sa isang singing duet.
Credit: @wendellramosofficial Instagram
Naka-jamming ni Wendell si Tanya Isabel sa kantang “More Than Words” ng 90s band na Extreme. Mapapanood sa video na ipinost ni Wendell sa kanyang social media ang singing duet nila ni Tanya Isabel sa sala ng kanilang bahay.
Tumutugtog ng guitar si Wendell habang sinasabayan ang anak sa pagkanta. Ayon kay Wendell, proud siya sa anak dahil kahit unang beses pa lamang nitong kantahin ang nasabing 90s hit-song ay mahusay naman umano nitong nagawa.
Credit: @wendellramosofficial Instagram
“Proud of you nak! @tanyasabelramos though alam ko, this is the first time for you to sing this song…still you rock!!! #girldad #morethanwords #fatheranddaughter #qualitytime #thankyouforalltheblessings” pahayag ni Wendell sa caption ng kanyang post.
Umani naman ng maraming views at reaksyon mula sa mga netizen ang pagdu-duet nina Wendell at Tanya Isabel.
Credit: @wendellramosofficial Instagram
Sa kasalukuyan ay pumalo na sa mahigit 1.4 million ang nakapanood sa video ng kanilang singing duet na mag-ama sa Facebook. Higit 160K reactions naman ang nakuha ng post ni Wendell.
Nagsimula si Wendell sa showbiz noong 1995 pagkatapos siyang mabigyan ng oportunidad na mapabilang sa cast ng Kapuso comedy show na Bubble Gang.
Dahil sa kanyang taglay na kapogian at talento sa pag-arte kaya naman nagsunod-sunod ang proyekto ni Wendell.
Credit: @wendellramosofficial Instagram
Matatandaang napabilang si Wendell sa youth-oriented show na “Click” kung saan ay nakuha niya ang titulong matinee idol.
Recent project naman ni Wendell sa Kapuso network ang seryeng Prima Donnas kung saan ay gumanap siya bilang si Jaime Antonio Claveria.
Credit: @wendellramosofficial Instagram
Samantala, maliban kay Tanya Isabel ay may isa pang anak si Wendell na kamakailan ay pumasok sa pag-aartista.
Si Wendell Saviour Jr. ay ang panganay na anak ni Wendell na bumida noong nakaraang taon sa sikat na Boys Love series na “Unlocked.”