Janella Salvador, balik-alindog na ilang buwan matapos manganak sa baby nila ni Markus Paterson na si Jude Trevor

Natural lamang para sa isang Mommy ang sumailalim sa napakaraming pagbabago. Talagang mag-iiba ang paraan ng isang babae pagdating sa pag-iisip at pagdedesisyon dahil ang tanging nasa isip ay ang kabutihan ng mga anak dahilan kung bakit minsan, nakakalimutan na niyang alagaan ang sarili.

Credit: @iamsuperjanella Instagram

Talagang priority ang mga anak at mangunguna ito sa lahat ng bagay pero mahalaga rin na huwag makalimutan ang sarili. Katulad na lamang ni Janella Salvador na nangakong hinding-hindi pababayaan ang sarili habang tinututukan at inaalagan ang anak na si baby Jude Trevor, pero inamin ng aktres na hindi ito naging madali para sa kanya.

Credit: @iamsuperjanella Instagram

Sa pinakabagong post ni Janella sa Instagram kung saan ay ibinahagi niya ang mga larawang kuha ilang buwan matapos isilang si baby Jude Trevor kalakip ng latest na mga larawan, ikinuwento niya sa netizens ang struggles niya bago maibalik ang dating alindog.

“When I was pregnant with Jude, I promised myself that I would never forget self-care. I said I would take the time to do things that I love. Happy mum, happy family, right? But like many things in this world… it’s easier said than done,” pahayag ni Janella.

Sa pagtahak ni Janella sa kanyang journey bilang isang Mommy sa unang pagkakataon, hindi siya prepared sa kalakip nitong mga natural na pagbabago sa pisikal na anyo. Dahil dito, nawalan umano siya ng kumpyansa sa sarili.

Credit: @iamsuperjanella Instagram

“I lost all the remaining ‘vanity’ that I had in me the moment Jude came into my life. My life revolved around him,” pag-amin ng aktres.

Sa naramdamang insecurities, hindi umano maramdaman ni Janella ang dating pagkatao na punong-puno ng confidence sa sarili. Umabot pa nga sa punto na kinailangan niyang magsuot ng maluluwang na damit upang maitago lamang ang katawan na nadagdagan ng 40 pounds hanggang sa hindi na umano niya nagustuhang tingnan ang sarili sa salamin.

Credit: @iamsuperjanella Instagram

“I’m not gonna lie, I enjoyed every moment and I still do. But in those first few months, I physically did not feel like myself. I hid behind big coats, robes and loose clothing. The lack of sleep made me overeat so I was 40 POUNDS heavier than my ideal weight,” sabi ni Janella.

Bagama’t halos nawalan man ng pag-asa na maibabalik ang dati at magandang katawan, binigyan umano siya ng inspirasyon ni Dra. Vicki Belo at ng asawa nitong si Hayden Kho nang inalukan siya ng mga ito ng “lip0suction”.

Credit: @iamsuperjanella Instagram

Ngayon na balik-alindog at kas3ksihan na, unti-unti na rin umanong bumabalik ang kanyang confidence. Pinangakuan din ni Janella ang sarili na kasabay sa pag-aalaga ng anak, pahahalagahan din niya ang kanyang healthy na pangangatawan.