Janella Salvador, balik-Pilipinas kasama ang nobyong si Markus Paterson at kanilang anak na si Baby Jude!

Matapos manganak sa London, United Kingdom noong nakaraang taon, mukhang nakauwi na sa Pilipinas ang first-time mommy na si Kapamilya actress-singer Janella Salvador kasama ang kanyang nobyo na si Markus Paterson at ang kanilang anak na si Jude Trevor.

Credit: @superjanella Instagram

Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Janella ang ilang litrato kung saan makikita siyang nagpo-pose sa isang airport. Simpleng, “See ya!” lamang ang naging caption ni Janella sa kanyang Instagram post.

Samantala, sa kanyang Instagram story ibinahagi naman ni Janella ang litrato ni baby Jude na nasa tabi ng bintana ng isang eroplano.

Credit: @superjanella Instagram

Ipinapahiwatig naman ng mga komento ng kanyang mga malalapit na kaibigan tulad ni Liza Soberano at tiyahin na si Maja Salvador na pauwi na nga si Janella sa Pilipinas.

Ani Liza, “OMG SEE YOUUUUU”

Saad naman ni Maja, “See youuuuu Emma!!!”

Ibinahagi ni Janella ang mga litrato noong February 11.

Credit: @superjanella Instagram

Sa panahong isinusulat ito ay isang araw na ang lumipas matapos ng nasabing post ni Janella, kaya naman ibig sabihin lamang nito ay nakauwi na ang celebrity couple sa bansa.

Nag-post naman ang dating “Pinoy Boyband Superstar” contestant na si Markus ng isang video sa kanyang Instagram kuha mula sa loob ng eroplano.

Credit: @superjanella Instagram

Mapapanood naman sa kanilang YouTube channel ang ilang moments ng unang pagsakay sa eroplano ni baby Jude.

“new vlog tomorrow 6pm on M & J & J link in bio. #HisFirstFlight,” sulat ni Markus sa caption ng ipinost niyang video.

Unang ibinahagi nina Janella at Markus na sila ay mga ganap nang magulang noong January 5. Sa kanilang pinakaunang vlog na may pamagat na “Hey, Jude.”, ibinahagi nina Janella at Markus ang kanilang naging pregnancy journey.

Batay sa video, ipinanganak ni Janella si baby Jude noong October 2020. Kinumpirma nga ni Janella ang mga kumakalat na espekulasyon na siya ay isa nang ina.

Sa panayam naman ni Janella sa TV Patrol noong January 6, iginiit niya na hindi niya itinago ang kanyang pagbubuntis sa dahil sa mga makasariling dahilan.

Credit: @superjanella Instagram

Ani Janella, “I wasn’t hiding it for selfish reasons. wanted to hide it because I wanted to cherish the moment in my life na first time ko maging mom. Iyong wala munang ingay, may sarili muna akong moment to enjoy it.”

Naging mahirap nga para kay Janella na itago ang kanyang pagbubuntis lalo na’t marami siyang natatanggap na komento na hindi umano ay ikinakahiya niya ang kanyang pagiging isang ina.

Credit: @markus Instagram

Pag-amin ni Janella, “And it was really hard because of course I was getting comments din na, ‘Kinahihiya mo ba? Hindi ka ba proud?’ ganyan.”

Para naman kay Janella, walang ina na gustong itago ang kanyang anak.

Aniya, “I don’t think any mom would want to hide his or her baby. “